Janine's Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, hay nako. anung oras na hindi ako makatulog , Pano ba naman ikaw ba naman biglang magyesss sa sinabi ng crush mo diba? nakoo janine kabaliwan kasi eh, eto ako ngayon parang baliw kinakausap ko ung sarili ko. magoonline na nga lang ako.
Bukas si Laptop then log-in sa facebook at twitter. pag bukas ko may ...
89 friend requests
750 notifications
350 messages.
Grabe hindi ako makapaniwala na ganyan kalalaki yan, kasi dati ung notification ko hanggang 500 lang tapos ung friend request hanggang 50, at ang messages hanggang 100 lang. sa sobrang curious ko, binuksan ko ung notifications ko at halos lahat puro "BLANK POST ON YOUR TIMELINE" Puro ganyan.
P.S: Yung Word na Blank ayan kunwari ung pangalan XD
Ahh Basta pumunta agad ako sa timeline ko dahil halos lahat naman puro dun nagpost. At pagbukas ko eto bumungad.
"Janine Nicole Faustino, MAHAL NA MAHAL KA DAW NI Jared Niccolo Madriaga"
"Janine Nicole Faustino, Hihintayin ka daw ni Jared Niccolo Madriaga Hanggang sa sagutin mo siya"
"I LOVE YOU Daw Sabi ni Jared Niccolo Madriaga"
Karamihan puro ganyan yung post, kaya napangiti agad ako. Pagbukas ko naman ng messages . Karamihan puro ganyan din ang sinabi. grabe pwede tumili... kasi naman ehh bakit ang sweet niya? nakakakilig! >//////< Then inaccept ko narin lahat ng nagadd sakin at isa na dun si jared ng may biglang nagmessage.
Bakit hindi kapa tulog?-Jared Niccolo Madriaga
Ahh, Kasi Hindi pako inaantok eh-Sabi ko
Asusss, Hindi makatulog o kinikilig?-Jared said
Hoyy, Ang Kapal mo. hindi lang ako makatulog, pero salamat ah-pagtangging sabi ko
Ayos lang yun. basta para sayo, I LOVE YOU JANINE NICOLE FAUSTINO Soon To be My Girl-Sabi niya
Sige tulog na tayo, Goodnight-Sabi ko at naglogout agad.
Fast Forward.....
Jared's Pov
Umaga na, Hinanap ko agad yung cellphone ko at tinignan ung cellphone ko, at siempre napangiti ako dahil pictures agad ni janine ung nakita ko, yung mga stolen pictures niya kahapon habang nagsusukat siya ng mga damit, Ang ganda niya talaga. pipikit muna sana ako ng may biglang nagtext.
From: TitaJasmine.
Jared, Hindi pako makakauwi ngayon mukhang matatagalan pa ako dito, dahil sobrang daming gagawin, take care of my daughter, and magpapadala nalang ako ng pera dahil sobrang gastos niyang anak ko. basta take care always. goodbye.
To: Tita Jasmine.
Hi Tita, Okey lang po. aalagaan ko po ng mabuti ung prinsesa niyo, at soon to be girlfriend ko, ayos lang po ba na ligawan ko ang anak niyo?
At May nagtext ulet.
From: Tita Jasmine.
Ayos lang anak, basta iingatan mo ang prinsesa namin, sige na may gagawin pa ako. take care.

BINABASA MO ANG
Ms. Nerd Turns Into A Charming Princess
RomanceMay mga babae talaga na kung titignan mo panget pero kapag nagayos hindi mo aakalaing sobrang ganda.