1: Angela

58 3 5
                                    

"I'm so sorry, Ms. Sandoval, but... I can't accept your piece. Masyadong... Alam mo na? Walang buhay." Sabi ni Ma'am Cristina.

"Okay lang po ma'am."

"But don't stop trying, malay mo naman diba? You have the potential." Sabi nya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak.

Umupo ako sa isang bench sa may court, hawak-hawak ang gitara ko.

"Anong kadramahan yan?" Tanong ni Kat, inagaw nya ang gitara at nagsimulang kumanta.

"Wala lang." Sabi ko. She is my friend.

She stopped. Tumingin sya sa akin.

"Si Mark na naman ba?" Tanong nya. I laughed. Hindi ko alam kung bakit pero tumawa ako. Mamaya-maya ay may lumingid na luha.

Isa pa yon.

"Hindi dapat sila iniiyakan, hindi pa naman sila patay." Sabi sa akin ni Kat. She smiled and I answered a smile. Pinunasan ko ang luha ko.

"Tara? LoL na lang tayo." Yaya nya. Sa totoo lang, pareho kami ng sitwasyon. Tinanggihan ang piece nya, tapos broken hearted pa.

"Pass muna ako." Sabi ko. Binalik nya sa akin ang gitara ko.

"Play your song." Sabi nya. Tumingin muna ako sa kanya. Seryoso sya kaya ginawa ko ang sinabi nya.

'As I see you, my heart breaks.

As you pass by me, I feel worthless.

Oh, how does your existence

Kill me? Tell me.'

Huminto ako nung nagsignal syang huminto ako.

"Hahahaha. Ayan. Ayan ang problema sa atin." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang ulo.

"Ha?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung anong gusto nyang palabasin.

"Broken hearted kasi tayo." Sabi nya. Lalo akong nagtaka.

"Anong konek?"

Hindi na sya nakasagot. May dumaan sa harap namin na hinihiling kong hindi makita...

Ang masaklap pa ay tumingin pa sya sa akin.

"Wait. Wait." Sabi nya sa kasama nya.

"Sige, Mark, mauna na ako." Sabi naman nung kasama nya.

Nauna na nga ang kasama nya. Aalis na sana si Kat pero hinatak ko sya. Ayoko. Di ko pa kaya.

"Angela." He blurted out my name. Ewan ko kung anong meron pero sobrang sakit.

"I'm so sorry--" tinigil sya ni Kat.

"Umalis ka na lang. Pwede ba?" Sabi nya. Napahawak ako kay Kat ng mahigpit. Pinipigilan ang luha na bumagsak mula sa king mga mata.

"Sige... Pero, Angela. Sorry." Sabi nya tapos umalis. Pagkaalis na pagkaalis nya ay nilubog ko ang mukha ko sa braso ni Kat at tuluyang umiyak.

Alam kong para akong tanga. Na hindi dapat ako naiyak dito dahil wala namang dapat ika-iyak. Pero...

Ang sakit. Sobra.

*2 DAYS BEFORE*

Nagopen ako ng messenger dahil sa sobrang pagkabagot. Nakakatamad na sobra.

-ting-

May nagmessage. Ah. Yung GC pala namin.

[Mark: Yow]

Nagmessage ang longtime crush ko. Well masasabi ko nang 'forever crush' dahil sa apat na taon na akong nagka-crush sa kanya.

Teka. Crush pa ba? Sa totoo lang hindi ko alam. Pero sabi nila, hindi na daw crush tawag dun. Pero hayaan na. Basta gusto ko sya.

4 words. 1 heart.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon