Chapter 3: Fwend ?

21 0 0
                                    

Minsan, sa isang punto ng buhay mo e di natin maiiwasang magkamali at masaktan .

Pero kahit ilang beses ka pa madapa, may mga kaibigan kang pwedeng sandalan .

Pero ang tunay na kaibigan, tatawanan ka muna bago ka tulungan :D

Continuation:

Tahimik ang kalsada sa tapat ng bahay nila rick .

May mga nagdadaanang tao ngunit walang sino man ang gumagawa ng ingay .

Tila nasa simbahan ata sila kaya napakatahimik .

Ngunit biglang binasag ni rick ang katahimikan ...

" Aray !" . sigaw ni rick nang tumumba ang kanyang sinasakyang bisekleta .

Walang sinumang nakakita ang tumulong .

Tila sarado ang kanilang mga mata na parang wala silang nakita .

Ganyan na ba tlga ang mga tao ngayon ?

Nasaan ang hustisya ?

Sugatan ang kaliwang binti ni rick kaya wala siyang kakayahang tumayo .

Ang kanya nmng bisekleta ay nabali ang gulong sa unahan .

Sa kalagitnaan ng paghihirap ni rick ay dumating si red .

" uy ! nakita kita kanina nung sumemplang ka ! oh eto oh. sayo nlng tong gulong ng bike ko " pagtulong ni red .

" baliw ka tlga ! kita mong di na ko makatayo tapos ung bike ko pa ung inalala mo ?! " reklamo ni rick .

" ayy oo nga no ! hahaha ! dun nga tayo sa bahay ." pag aaya ni red .

Inakay ni Red ang kaibigan papunta sa kanilang bahay ...

" ikaw pla yung kapitbahay namin ? ". tanong ni rick .

" hahaha . ngayon mo lang nalaman ? ". sagot ni red .

Di na nagsalita si rick dahil sa kanyang sugat.

Nang makapasok sa bahay ay agad na inalalayan ni red ang kaibigan patungo sa upuan ..

Agad itong nakita ng ina ni red ngunit hindi na muna siya nagtanong, kumuha agad siya ng first aid para pagalingin ang sugat ng kaibigan ng kanyang anak .

" Salamat po tita." pasasalamat ni rick sa ina ng kaibigan .

" Ayos lang nuu . hmm . gusto niyo ng stik o ?" pag aalok ng ina .

" Sige po mommy !!" pag ayon ni red .

Lumabas na sila sa bahay ni red .

" Hmmm . Ganda ng mommy mo no ? Chix na chix and datingan ! ." pagpuna ni rick .

" Oo nga e . Swerte ni daddy ". tugon ni red .

" Hmmm .. Buti pa ikaw, may daddy " malungkot pahayag ni rick .

Di na nagtanong si red . alam niyang hindi na niya dapat pakialaman ang buhay ng katoto .

" hmmm . tara laro tayo " aya ni red habang inaaya si rick na tumayo at maglaro .

di na sumagot si rick pero tumayo narin siya ..

Itutuloy !

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kwento ng PagongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon