Hmmmm .
Sana lahat ng tao ay pwedeng magteleport .
Lalo na sa mga magkasintahan na may LDR .
Hmmmm .
Continuation:
Nakatulala ang isang sampung taong gulang na batang babae sa isang litrato ...
Titig na titig siya sa nasabing litrato na parang may binubuong mga pira pirasong bubog ng isang basag na pagkakaibigan ...
Niyakap ng batang babae ang litrato niya na may kasamang lalake .
Kaedad niya ito kung titignan .
" I will wait for you . I will." Malungkot na sambit ng nasabing bata...
Itinigil na niya ang pagyakap .
At itinuloy ang pagduduyan sa sariling playground ..
" Hmp . Anlaki nga ng playground ko, wala naman dito si Yatot e " malungkot na sambit ng bata .
Matagal niyang pinagmamasdan ang mga ulap sa kalangitan .
Pinipilit niyang pagtagpi tagpiin ang mga piraso ng ulap upang makabuo ng isang hugis .
Mahirap man buuin ang nasabing hugis e pinipilit niya parin itong buuin ...
" Hmmmm . Hayyys . " Buntong hininga ng bata ..
" Annie !! Go inside our house now !". Sigaw ng isang lalake sa loob ng bahay ng batang babae na nanatiling nakatingin sa kalangitan .
Ilang saglit pa ay lumabas na ang sinasabing lalake ..
" Did I call you ?! What are you doing there ?! Get inside ! ". Utos ng lalake .
" Yes dad !". Maikling tugon ng bata ...
Pumasok na si Annie ..
Malaki ang bahay nila Annie .
Mayaman ang kanyang pamilya .
Ngunit hindi siya masaya sa ganitong buhay .
Mas gusto niya pa ang buhay niya sa probinsya niya sa Pilipinas .
Simple, pero masaya .
Lalo pa't totoo niyang mga magulang ang kaniyang kasama .
Broken family na kase sila ngayon, nakatira siya sa bansang New Zealand kasama ng kanyang nanay at ang kaniyang pangalawang ama .
Nang makapasok sa bahay ay agad na inasikaso siya ng kanyang ina ..
" Kumain kana ba anak ? Ok ka lang ba ?" tanong ng kanyang ina .
" Okay lang ako nay ". Sagot ng bata .
" Kung may problema ka man anak, pwede mo akong kausapin . I know you're missing someone, Yatot right ? This is the fourth year that you and him separated . You really love him, don't you ?". Pang aalo ng ina .
" Hayys . Yes mom . I miss him so much . Sana pwede nlng ako magteleport . Ayoko na dito nay . Gusto ko na dun . Gusto ko na sa Pilipinas . Kila tatay ". Lumuluhang tugon ni Annie .
Naawa agad ang kaniyang ina .
Bata pa lamang ang anak ay andami na agad nitong pinoproblema .
Problema na dahilan ng pag aaway ng nila ng tatay ng kaniyang anak .
" Everything happens for a reason baby . Dont cry . Malay mo, pag pinagbuti mo yang studies mo at yang pagiging varsity mo sa swimming e maging succesful ka balang araw at makapunta ka ng Philippines at magkita ulit kayo ni Yatot mo . Just think better and be better annie ". Pangaral ng ina .
Napaisip ang bata .
Pilit na inuunawa ang lahat .
Gusto niyang unawain na kailangan nya ngang gawin ang sinabi ng ina .
Napaisip siya .
Ngumiti .
At nagpunas na ng luha .
Kahit walang naisagot, natuwa ang kanyang ina na naunawan na rin ng kanyang anak ang lahat .
Proud na proud siya sa kanyang anak .
" Hihintayin ko siya inay . Gagawin ko ang lahat upang maging mabuti. Salamat po sainyo ". Masayang sambit ng bata at hinalikan niya ang kanyang ina sa pisngi .
Naluha ang kaniyang ina .
" Are you crying nay ?" Tanong ni Annie sa ina .
" Hindi no !". Sagot ng ina at kiniliti niya ang kanyang anak .
" Ayyyyyyy ! Nay naman e ! Hahahahaha ". Tawa ng tawa ang batang babae .
" Mahal kita anak ". Sambit ng ina .
" Mahal din kita nay ". Sagot ng bata .
"Oh kain na anak ". Aya ng ina .
" Sige po " Tugon ng bata .
" Pray" Nakangiting utos ng ina .
" I will nay . Ipagpapray ko narin si yatot . Sana makasama ko na siya ". Sagot ni Annie .
Ngumiti na lamang ang kanyang anak .
" Tiwala lang Annie ". Tanging nasabi ng kanyang ina .
Itutuloy !