Sinundo ako ni Andre sa bahay at papunta na kami sa Elite University.
Elite University is only exclusive for rich. Dito nag-aaral ang mga anak ng mga mayayaman, bussiness tycoons and so much more.
Kung bakit ako andito?, its for you to find out.
"Kyaah!, andyan na si Luke!"
"Maayos pa ba tong make-up ko girl?"
Minsan naiinis na ako sa mga babae dito,tss, ang lalande! Dinaig pa ako,gosh.
Kakarating lang namin ni Andrea dito at napahinto dahil sd tiliin ng mga mahaliparot na babae sa hallway, and they make harang-harang my way.Maya-maya pa bumaba sa isang magarang sasakyan ang isang tsanak na nagkatawang tao,haha.
Pero may itsura naman. Konti lang.Kala mo naman kung sinong tinitilian.
Ang tsi-cheap nila huh."Iya, look oh!," sabay turo kay Luke Perez na ngayon ay naglalakad papunta sa mga kaibigan niya. "Ang gwapo talaga niya!"
"Saan banda?" Pataray kong tanong kay Andrea.
"Tse, ikw lang naman ang napapangitan kay Luke eh. If i know bitter ka pa rin, kasi hanggang ngayon hindi ka pa rin niya napapansin."
"Whatevs." Balewala kong tugon kay Drei.
Totoo ang sinasabi niya, hindi ko matanggap na ang isang diyosang katulad ko ay balewala lang kay Luke.
Halos ginawa ko na ang lahat para lang matuon sakin ang atensiyon niya ngunit wala pa rin, halos tatlong taon akong nagpakatanga sa kanya.
Pero hindi pa rin ako susuko sakanya, gagawin ko ang lahat para mabaling ang atensiyon niya sakin.Tignan natin Michael Luke Perez lll.
*Canteen
Andito ako ngayon sa loob ng canteen, malamang kumakain.tss
Hindi raw ako masasamahan ni Drei kase may importante pa raw na gagawin, hayop na bruhang yun, 'yan tuloy muka akong diyosang loner."Pwedeng makiupo?" Tanong ng walang hiyang babaeng nakatayo sa harapan ko. "wala na kasing vacant table eh."
"I dont like, im not fond of eating my lunch with a monkey beside me, you know." Agaran kong sagot. Aba! Dapat lang no! Sabay flip hair.
Nagulat ata siya, yung angelic face niya naging demon face.
Agad rin siyang umalis sa harap ko. Bago yun tinignan niya muna ako ng masama.
Ngumiti lang ako sa kanya.Maya-maya nagtilian ang mga tao sa loob ng canteen generally mga babae.
Natanaw ko naman sila Luke at mga kaibigan nito na papasok. Tatlo silang magkakaibigan.
Kurt Mendez, pure filipino, tagapagmana ng Mendez group of companies. Pala kaibigan at masayahin. May tinataglay rin na kakisigan.(ang lalim dre.)Marky Chua, half filipino half chinese, nag-iisang anak ng may ari ng Elite University. Ilag sa mga babae, palaging poker face pero gwapo parin siya.hihi
And lastly Michael Luke Perez lll. Ang pinaka gwapo sa lahat. Oo, gwapo talaga siya. Pure filipino ang cassanova sa kanilang tatlo. Ewan ko ba, pinapatulan niya lahat ng lumalapit sa kanya na babae, pero pagdating sakin palaging 'walang pakialam' , im so hurt na talaga. Dumating pa nga sa point na inakit ko siya, nagpatulong pa ako kay Andrea na ikulong kami sa cr ng girls pero wala pa rin. Palagi akong nagpapapansin pero wala pa rin,argh. Nagmumukha na akong tanga. Dont know what to do na talaga.
--------------------------------------------------------------------------------------------
im so sorry readers ang pangit ng ud ko ngayon im so broken hearted kc kay jerome my loves. huhubels :'(
YOU ARE READING
Hopeless romantic
Teen FictionNagpapangganp na mayaman. Nag-eenglish kahit hindi alam. At maarte kahit hindi dapat.