(DONT MIND MY ERRORS)
Isabel's Point of view,
Sabado ngayon. Haay, katamad. Nag-iisa lang ako dito sa bahay kong malaki este maliit. :3 Hindi naman masyadong maliit, may sala naman ako, may kusina, may sariling kwarto.
12:30 na ng hapon ng mapagdesisyonan kong pumunta ng mall.
After an hour ready na ako. magtataxi lang ako kasi i have no car nga pala, naisanla ko kasi i buy a new chanel bag.
Nag abang ako ng taxi sa harapan ng bahay ngunit kalahating oras na ang nakakalipas at wala pa rin akong matanaw na taxi.
Naiistress na ako. My ghad!
Maglalakad na lang ako tutal medyo malapit naman tong bahay ko sa kinaroroonan ng mall.
Sampung minuto pa lang akong naglalakad pero sumasakit na yung precious long legs ko. huhuhu what to do. It hurts na talaga and its so init pa, i will curse talaga those maliliit na bato on the daan!
Hindi ko pinapahalatang masakit ang paa ko, ofcourse sayang ang poise ko pinagtitinginan pa naman ako ng mga tao, taas noo akong naglalakad and hindi ko napansin yung medyo may kalakihang bato sa daraanan ko kaya ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan.
''ouch!'', Sigaw ko, nakaupo ako ngayon sa kalsada at pinagtitinginan ako ng mga admirers ko. Pilit akong tumtatayo pero hindi ko magawa, lagot ka sa'king bato ka, iuuwi kita at saka kita dudurugin.
Isang minuto na akong nagpupumilit makatayo ngunit wala pa ring tumutulong sakin, wala, tinitignan lang nila ako.
Para na akong maiiyak. Pero pinilit ko paring makatayo, atlast nakatayo na ako sabay tingin ng masama sa mga nakatingin lang sakin at mga walang balak tumulong. Iniripan ko silang lahat at paika-ikang naglakad buhat ang sirang stilleto ko.
May malapit na park at doon ako pumunta, my foot is hurt na talaga, this time umiyak na ako, hindi dahil sa kahihiyan, hindi rin dahil sa paa kong namumula ngayon sa sakit, umiiyak ako dahil sa sapatos kong nasira, i hate that stone ever!, although mura lang to pero bigay kasi to ni papa.
Kinapa ko ang bag ko at hinanap ang mighty bond na dala ko. Pumwesto na ako at dinikit ang takong ng sapatos ko sa katawan nito.
Ang sumunod kong pinagbalingan ng atensyon ay ang paa ko, hindi na siya masakit hindi gaya kanina. Medyo hindi na rin ito namumula. Magpapahghinga lang ako saglit at tutuloy na ak sa mall.
Maya maya may lumapit sa king lalaki.
''Hi?'', tinignan ko kung sino man yung hampas lupang kumakausap sakin, yuuuck! he's so chaka. AMPANGIT. He look like a presong kakalabas lang, kasi naman his shirt is kulay orange. A neon orange indeed, kasakit sa mata gurl.
''What do you need?'' pataray kong tanong.
wow englishera, jackpot ako neto!
Narinig ko yung sinabi niya, kaya mas lalo akong namula sa galit.
''Ahm, pwedeng makipagkaibigan?'' pa cute niyang tanong.
yuck! mas cute pa si browny ko sa kanya, nakakasuka.
''Hindi ako nangangailangan ng friend, i have tons of it.'' pataray kong sagot
''Ganun ba?, number mo na lang kukunin ko.'' Sabi niya while naka puppy eyes. its so kadiri talaga.
Kinapa ko ang bag ko at hinanap ang phone ko, tinanggal ko ang simcard at binigay sa kanya.
''ano 'to?'' patangang tanong niya.
''Bulag ka ba oh tanga lang talaga. Cant you see its a simcard!'' sigaw ko.
''number po ang hinihingi ko, hindi simcard.'' naguguluhan niyang sagot.
''Naawa ako sayo eh kaya sayo na yang sim ko. bye!''
Naglakad ako palayo sa park.
*mall*
p

YOU ARE READING
Hopeless romantic
Teen FictionNagpapangganp na mayaman. Nag-eenglish kahit hindi alam. At maarte kahit hindi dapat.