Memories of the Past [One-Shot w/ BS]

52.1K 288 9
                                    

Pepper's POV

July 15, 20xx

 

"Ano ba 'tong lugar na to. Walang masakyan" ano ba kasing lugar 'tong pinagdalhan sakin ng bestfriend ko. Iiwan naman ako bigla. Tsk. Matawagan nga yung bruha na yun.

Calling... Bes.Ginger . 

After ilang minutes sinagot naman nya. 

"Hoy! Nasan ka ba? Anong lugar to? Wala man lang masakyan! Hindi ako makauwe. Dinaladala mo ko dito tapos iiwan mo ko? Bangag ka ba ha? Sunduin mo na ko ngayon din!" lintanya ko dun sa Bestfriend kong ewan ko ba. May sapak yata sa ulo.

"Nice, wala man lang 'Hello Bestfriend'. Nakakatampo ka."

"Leche! Ang daming mong inarte! Gusto ko nang umuwe! Hindi ko alam kung ligtas ba dito oh ano."

"Masyado ka namang hot Peppy, mag-hintay hintay ka lang dyan. Dadating na yung pinapunta kong susundo sayo."

"Mabuti naman! Pag may nangyari talaga sakin ihanda mo na yung libingan mo! Nasan ka nga ba kasi?"

"Grabe ka naman magbanta, parang hindi Bestfriend haaa~ By the way, nandito pala ko sa bahay ni Tony my loves. Nags-sexy time kami. Hihihihihi~"

"Yuck~ kadiri kayo ah. Palagi na lang! Eww talaga. Babye na nga. Basta siguraduhin mo lang na dadating na yung susundo sakin!"

"Eto naman makareact! Porket virgin ka maka-yuck ka sa akin. By the way babye na din. Inistorbo mo lang naman kami. Babye Peppy Baby muah muah muah"

In-off ko na agad yung tawag. Kapag hindi pa eh baka manakaw pa 'tong cellphone ko sa tagal magbabye nung bruha na yun. Don't get me wrong huh. Kaya kong bumili ng sampung libong cellphone ngayon din. Wala akong pakielam kahit manakaw pa to oh ano. Ibigay ko pa sa kanya yung charger eh. Ang kaso lang nasa liblib na lugar nga ako pag nanakaw 'to pano ako makakatawag diba? Baka patay na ko dito, hindi pa nila ko ma-contact.

Maalala  ko lang, Shit! Almost 11:00 pm na. Wala pa din yung sundo na sinasabi nung Ginger na yun. Baka balak niya kong ipapatay dito. Pero hindi naman siguro Bestfriend ko yun eh. Pero ulit, hindi na biro yung sakit ng paa ko haa. Naka-heels pa man din ako. Jeez . Patay talaga sakin yung babaeng yun.

"Uhh, Miss?" sa sobrang gumagala yung thoughts ko hindi ko namalayan na may tumigil na White 1965 Mustang G.T 350  sa harap ko. Grabe, ito yung dream car ko. Ang ganda ganda niya, parang bagong bili. Magkano kaya ito? Hindi ko pa natitignan sa market kaya hindi pa ko nakakabili, pero kayang kaya kong bumili niya nuh. Anong akala niyo sakin dukha? Akala niyo lang yun! "Miss? Miss Pepper Lopez?" 

"Y-yes?" My God nakakahiya, masyado akong na-mesmerized nung kotse. I didn't notice na tinatawag na pala ko nung driver nung kotse. Ang gwapo niya ah. Pero teka, tinawag niya ba ko sa pangalan ko? "Excuse me, Did you just call my name? Do I know you?"

Memories of the Past [One-Shot w/ BS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon