Blythe Hera Laxamana's POV
"saraaaaaap!" saad ko habang ninanamnam yung sinisipsip kong choco mousse sa chatime.
"mas masarap ako, ge." Sabi ng mahangin na si Alexandrian. Friendly date namin ngayon dito sa chatime. Kung saan kami unang nagkita. Naging magkaibigan naman kami sa awa ng diyos! HAHAHAHAHAHA.
"si Dae o" sabi pa ulit ni Drian. I used to call him Drian for short. And nagustuhan naman nya kasi hindi naman daw jeje. Lumingon ako pero wala naman. Loko talaga!
"namo" sabi ko na lang at tumawa lang sya. 'kala nya natutuwa ako, e umasa lang naman ako! Kainis 'to.
Inubos ko na lang yung choco mousse ko habang nagbabasa ng wattpad. Nakita ko naman si Drian na nagmamasid lang sa paligid. Isa sa napansin ko kay Drian nung maging magkaibigan kami e yung pagiging observant nya sa mga tao. I'm pretty sure ginagawan na naman nya ng story yung bawat taong nakikita nya. And i found it cute.
"Eto namang lalaking 'to, hula ko, kasal na sya. Masaya na sya sa asawa nya pero may hinahanap hanap parin syang babae. Babaeng alam kong tunay at nagiisang minahal nya ng todo. Tssss" dahil sa sinambit nya, napaangat ang tingin ko sa kanya at naka smirk lang sya. Na curious ako, so sinundan ko yung tinitignan nya. The one and only Daevonne Jared.
Saktong pagkatingin ko sa kanya e nakita nya ako. Ayan na naman sya sa ngiti nya. Ngiting minahal ko sa buong buhay ko. I still love him. Why is that?
"Hi Blythe! Long time no see!" bawat hakbang nya papalapit e nagpapalpitate ako. Nagwawala naman yung mga paruparo sa loob ng tyan ko. Inlab parin talaga ako dito. May sparks pa rin, syet.
"Hoy babae? Arat na?" nakasmirk namang tanong ni Drian. Alam kong gusto nya lang akong iiwas kay Dae dahil masasaktan lang ako sa mangyayari. Umaasa pa rin kasi ako.
Pero huli na ang lahat....dahil nakalapit na si Dae samin.
"oh? Aalis na kaagad kayo?" takang tanong naman ni Dae.
"ewan namin" walang ganang sagot ni Drian. Gusto ko sanang matawa kaso si Dae 'to e. Nasa harap ko yung lalaking nasaktan ko pero mahal na mahal ko. Si Daevonne Jared 'to.
"a-ahhh hindi 'no. Actually kakarating lang din namin" i answered him with a smile. Pero napansin kong napatingin sya sa tea cup namin. Oh-uh. "bilis nyo namang uminon! hahahahaha" sagot nya naman sakin. Hays oo nga naman. Tanga ko.
"pero aalis na din kami kasi may dumating na asungot" sabat ni Drian. Wala talagang preno bibig neto! Nakakahiya kay Dae. Natawa lang si Dae at tila may sasabihin pa nang tumayo na si Drian at hinawakan ang braso ko. "ge." sabay hatak sakin palabas.
Sa sobrang bigla ko e, inalis ko yung kamay nya sa braso ko.
"ano ba! Drian si Dae 'yon! Matagal ko na syang di nakakasama ulit..." inis na sabi ko at tumingin sa loob ng cafe. Andon parin si Dae na nakatayo. Nakatayo lang syang parang nabigla.
"alam kong si Daevonne yon. Ano naman kung matagal mo na syang hindi nakakasama ulit? Dapat bang samahan mo parin sya don sa loob? Pipiliin mo pa rin bang masaktan, Blythe?" sa loob ng ilang buwang pagkakaibigan namin....ngayon lang sya nagsalita ng mahaba sakin. Ngayon lang nya ko sinabihan ng seryosong bagay. And nararamdaman kong may malasakit lang sya sa nararamdaman ko. Masisisi nyo ba ko? Si Dae yon e.
"im sorry" tumalikod na ako sa kanya at mariing pumikit bago lumakad pabalik sa loob ng cafe. Pero napahinto ako sa sinabi nya....
"sa sitwasyong 'to, parang pinili mo na rin sya kesa sakin." napalingon ako sa kanya na naglalakad na palayo. Mabigat sa pakiramdam na makita syang palayo. Parang masakit. Anong gagawin ko? His words hit me.
Hindi ako pumasok sa cafe instead i chase Drian. Nung nakita ko syang mabagal na naglalakad....niyakap ko sya mula sa likod.
"uuuuuy binagalan nya yung lakad para mahabol ko sya" sabi ko sa kanya with malambing tone. Napahinto sya at humarap sa akin. Ngumiti ng matamis sabay sabing....
"Kaya mahal kita e"
BINABASA MO ANG
Not Like The Movies (KathNiel OS)
Fanfic"My story is not like the movies" - Blythe Hera Laxamana