Ito ay isang experience ko bilang teacher na hinding-hindi ko makakalimutan.
Habang ako ay nagtuturo ng Filipino, napansin ko ang isa kong estudyante na tawa ng tawa. Sobra na yung tawa. Pati katabi nya tumatawa na rin. Di ko alam kung bakit. Tumigil ako sa pagtuturo at hinarap ang estudyante ko.
"Bakit ka tawa ng tawa?" tanong ko sa estudyante ko.
Bakas na bakas sa kanya na sobrang saya nya kasi maluha-luha na sya sa pagtawa.
"Ma'am eh kasi po yung katabi nyo dyan sa unahan kanina pa po kayo ginagaya. Nakakatawa po eh. Di ko na po mapigilan ang pagtawa. Sinabi ko na rin po sa katabi ko."
Nagulat ako sa sinabi ng estudyante ko. Pagtingin ko sa tabi ko... Walang tao.... at.. sya lang ang nakakakita
_________________________________________________________________________
mwahahahaXD narinig ko lang den toh hahaha
BINABASA MO ANG
Anong Katabi? (Short Story)
Contobasta! kwento ng teacher ko eto eh habang nagawa kami ng activityXD