Survive ( One Shot ) Part 1 of 2

43 2 0
                                    



Rose's POV


Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng mga sigawan. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko hanggang sa makita ang mga taong nakaposas ang leeg sa magkabilang gillid ko. Wait!! Si Jimlani ba itong katabi ko ngayon? Nasaan ba kami? Bakit nakaposas ang leeg ko. Pinagmasdan ko muna ang paligid. Nasa isang kwarto kami kung saan may flat screen tv sa harap namin. Halatang luma na ang kwartong ito dahil sa maraming alikabok at mga supot ng gagamba.


" Aaaaah!!!!!!!!!! Nasaan ako?!!!! Tulong!! Tulong!!" sigaw nung babae habang pinipilit na tanggalin ang nakakandado sa kanyang leeg. 


" Ang ingay!!! W-wait!! Nasaan ako!! Nasaan ako!!!" sabi din nung isang babae at pilit rin tinatanggal ang nasa leeg nya. Sino ba ang baliw na gumawa nito sa amin? Bakit nya 'to ginagawa!! Agad namang nagising si jimlani sa katabi ko at kita sa mukha nya ang pagkagulat ng makita nya ang sitwasyon namin.


" What happen? Nasaan ako?" tanong nya at pilit na pinapakalma ang sarili. Nagising narin yung dalawang kasama nya na si jake at jack. Oo, kilala ko sila. Si jimlani kasi ang nobyo ko kaya kilala ko ang kaibigan nya.


" Dude ano 'to? bakit nakaposas ang leeg natin?" tanong ni jack. 


" What the!!! hindi ko matanggal!!! Put*!!!" pilit na tinatanggal ni jake ang pagkakaposas sa leeg nya. Sinubukan ko rin tanggalin ng biglang umandar ang flat screen tv sa harap. Lumabas doon ang isang maskara na nakakatakot. Maskara na kapag nakita mo ay hihimatayin kana. Sya ang ba ang may gawa nito? Hindi ako tanga na hindi malaman kung sya iyon.


" Bakit mo 'to ginagawa sa amin!! Sino kaba!! Pakawalan mo kami dito!!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang nasa leeg ko. Ang cellphone!! tama ang cellphone ko nandito sa bulsa ko iyon. Agad ko naman kinuha ang cellphone habang nakatitig sa isang tao na nasa tv. Tumatawa sya habang tinitignan ang ginagawa ko.


" Ahahah!! Mga Bobo!! Kinuha ko na ang mga cellphone nyo bago ko kayo ilagay dyan!! Ahahahah!!" 


" Put*nginamo!! Sino kaba!! Pakawalan mo kami dito kung ayaw mong mamatay!!" sabi ni jake. Pati narin si jack at yung dalawang babae ay pinagmumura ang nasa harapan namin ngayon. Tinignan ko si jimlani na tahimik lamang. Kilala ko si jimlani, sya yung tipong hindi gagawa ng ikakalagot nya. Sa sitwasyon ngayon ay nag-iisip sya ng paraan para makatakas dito.


" 'Wag kang mag-alala babe. Ako ang bahala sa'yo" sabi nya habang nakatingin sa akin. Agad ko syang niyakap. Nagulat ako ng biglang tumawa ang taong nakamaskara.


" Ahahah!! Magsisimula na ang laro. Madali lang ang laro natin ngayon." sabi nya ng biglang may lumabas na susi sa harapan namin. Nakalagay lang sya sa harapan namin. " 'Yan ang magsasalba sa buhay nyo. Nakatali ang leeg nyo hindi ba? Once ang isang tao ay mag step forward ay mahihila ang limang kasama nya. Kung gusto nyo pang mabuhay o magsakripisyo dahil tanga naman kayo, kunin nyo na ang susi. May dalawang minuto na lang kayo." sabi nya at pagkatapos nun ay namatay ang tv. Nagkatinginan kaming anim. Ayoko pang mamatay!! Bakit ba 'to nangyayari sa amin? hindi naman kami masamang tao. 


" Dude sorry pero kailangan kong mabuhay para sa pamilya ko. Sorry rin rose." sabi ni jake. Sumang-ayon naman si jack at yung dalawang babae.


" Maawa kayo ... ayoko pang mamatay .. Huhuhu .. Maawa kayo." sabi nung babae. Ng tignan ko sya ay ... tsaka ko lang napagtanto na sya si Rackie. Si rosalyn na kasama ko sa trabaho sa banko.


" Rose .... ayoko pang mamatay." sabi nya sa akin. Kung kaya ko lang iligtas ang buhay mo .. pero kailangan ko ring mabuhay.


" Ang arte mo!! Lumaban ka dyan !! Aah!! ang lakas nyo!!" sabi nung isang babae. 


" Ate rackie!! wag!!!" sabi nya. Nakita ko namang kumilos si jimlani at tumingin sa akin. Alam ko ang titig nya. Kailangan nyang unahin ako bago sya. Sinubukan ko ring maglakad paharap pero talagang mahirap. Ang lalakas ng kasama ko. 


" Put-ta!!!!! kailangan kong mabuhay!! Ako ang unahin nyo!!!"


" Walang mabubuhay sa atin!!! Mga G*go!! Mamatay tayong lahat!!" 


" Maawa kayo .... "


Kailangan kong mabuhay!! Agad akong tumakbo papunta sa susi. Buti nagkaroon ako ng sports sa pagtakbo. Kailangan kong iligtas ang pinakamamahal ko. Alam kong ginagawa nya ito para sa akin. Pero .. kailangan ko ring makabawi. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Survive ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon