A Daughter’s Forgiveness
(One-Shot)
“Kapag sundalo daw ay may maraming pamilya. Kyle, ganyan din ba ang Daddy mo?”
“Ibahin ninyo ang Daddy ko. Hindi siya kagaya ng ibang sundalo.”
Naaalala ko pa yung mga panahong ipinagtatanggol kita laban sa mga maling akala ng mga kaklase ko. Kasi sabi ko iba ka. Mahal na mahal mo kami ni Mommy at hindi mo kami magagawang saktan. Hindi mo kami magagawang ipagpalit. Masyado kitang mahal. Iniidolo pa nga kita ‘di ba?Ang taas ng tingin ko sayo. Tinitingala pa kita. Mas malapit pa tayong dalawa kesa sa iba kong kapatid. “Daddy’s girl” nga daw ako, ‘ika nga nila. Ang akala ko ang pamilya natin ay isa sa mga nagpapatunay na may pamilya ang mga sundalong gaya mo na buo, masaya at puno ng pagmamahal ang bawat miyembro. Akala ko ikaw ay isa sa mga nagpapatunay na may mga sundalong kayang manatiling tapat sa asawa at pamilya nila kahit pa malayo ito ng ilang araw, ilang linggo, o ilang buwan sa mga ito.
Akala ko magiging happy ever after ang kwento niyo ni Mommy. Magiging happy ever after kayo.., tayo. Ngunit akala ko lang pala lahat ng ‘yon. Isang akala... Isang napakalaking maling akala. Ang akala kong happy ever after ay isa lamang palang once upon a time.
Hindi ko alam kung paano ngunit simula nung araw na ‘yon, that fateful day kung sa’n nakita kong nalugmok sa kalungkutan si Mommy, alam ko na agad na may problema. Bilang panganay tatlong magkakapatid, gusto kong maibsan ang lungkot na nadarama ni Mommy. Lumuwas ka ng Maynila nung mga panahong iyon. Mag-iisang buwan na rin kitang hindi nakikita. Tinawagan kita, para na rin ipaalam sa’yo na may problemang dinadala si Mommy. Ngunit sa halip ay ako pa ang nagulat.
Matapos kong marinig ang pangatlong ring ay may sumagot..
“Hello.” Nagulat ako sapagkat sa halip na ikaw ay boses ng isang bata ang aking narinig. Ayokong mag-isip ng di kaaya-aya. Ayoko munang mag-conclude. Iniisip ko noon na baka anak lang ng isang VIP na ine-escortan mo ang nakasagot ng tawag ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Hello. Andiyan ba si Mr. Roberto Salazar?”Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at instead na “Daddy” ay ang buong pangalan niya ang binanggit ko.
“Opo!”
“Maari ko bang malaman kung kaanu-ano mo si Mr. Salazar?” tinanong ko na rin yung bata. Ipinapanalangin ko na sana hindi totoo ang hinala ko. Hindi ko kakayanin kung totoo man nga ang hinala ko.
“Papa ko po.” Napasinghap ako sa nalaman ko. Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luhang hindi ko namamalayan ay kanina pa pala nangingilid sa aking mga mata.
I’ve tried hard to make my voice even. Nagtanong ulit ako sa batang kausap ko. “Maari ko bang malaman kung nasaan ang Papa mo?”
“Nasa likod ng bahay po.” Sambit ng bata.Pinipilit kong balewalain ang mga naiisip ko ngunit masyado na akong nagugulat sa aking napag-alaman.
BINABASA MO ANG
A Daughter's Forgiveness (One-Shot)
EspiritualSakit, pait, galit, hirap at pagkamuhi ang nararamdaman ni Kyle. Mapapatawad pa kaya niya ang taong nagdulot sa kanya ng mga iyon? Is it too late to forgive? Matutong magpatawad hanggat hindi pa huli ang lahat.