Prologue

12.2K 153 4
                                    

~

"KING, hindi ko kaya.." Mariin siyang napapikit. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha niya. Kanina pa siya nag mamaka-awa sa lalaking kaharap niya na huwag siyang iwan dahil ikamamatay niya.

Hindi niya kayang mabuhay ng wala si King Jairus Dela Cruz sa buhay niya.

"Marinella tumayo ka nga dyan! Ayoko na! Hindi na kita mahal! Please huwag mo ng pahirapan ang mga sarili natin."

Umiling siya. Pilit siyang hinahawakan ni King sa kanyang mga braso para itayo siya ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi siya tatayo sa pagkakaluhod hangga't hindi nagbabago ang desisyon ni King na hiwalayan siya.

Wala siyang pakialam kung maraming nakatingin sa kanilang dalawa dahil nasa pampublikong parke sila. Wala siyang pakialam kahit na nagmumukha siyang tanga dahil narito siya, nakaluhod sa harapan ng lalaking mahal niya, umiiyak at nagmamaka-awang huwag siyang iwanan.

Para kay Marinella Montalban, handa siyang gawin ang lahat para lang sa taong mahal niya. Kaya niyang magmukhang tanga sa mata ng lahat kakahabol sa lalaking mahal niya maipaglaban lang niya ang nararamdaman niya.

"Marinella ano ba! Huwag mo namang ibaba pa ang sarili mo! Tumayo ka na dyan."

Muli siyang umiling at niyakap ang mga hita ni King. Iyak pa din siya ng iyak. Maririnihg lahat ng makakakita sa kanila ang bawat paghikbi niya. Bawat paghihinagpis niya at ang matinding pasakit sa puso niya.

"A-ayoko... H-hindi ko kaya..." Humihikbing sabi niya.

"I'm sorry Marinella..










.. hanggang dito nalang talaga tayo."








The Most Painful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon