Painful 1

11K 162 16
                                    

PAINFUL 1

~

"UYY! Punta tayo sa JBAR mamaya. Gimik naman tayo, malapit naman na ang recognition day natin."

Napailing nalang si Marinella ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan niyang si Crissa. "Hindi ako sasama."

"Hindi din ako pwede. Alam mo namang hindi ako sumasama sa ganyan." Sabi naman ni Anne, isa niya pang kaibigan.

Umingos naman ang kaibigan niyang si Crissa sa narinig. "Hmp! Ang k-kj niyo naman!"

Graduating na sila sa Malivana High School. Hindi naman ito kasikatang eskwelahan. Pero ani nga nila, wala naman sa eskwelahan na pinasukan mo ang basehan ng katalinuhan mo.

Actually, masaya si Marinella dahil ga-graduate siyang Valedictorian ngayong taon. Siguradong matutuwa ang Papa niya at ang Ate niya kapag nalaman nila ang tungkol sa balitang iyon.

Marinella is a dean's lister. Kahit kailan ay hindi niya napabayaan ang mga grado niya sa eskwela. Ayaw niya kasing ma-disappoint ang mga magulang niya sa kanya. Gusto niyang tularan ang nakatatanda niyang kapatid na babae na si Marcella na kasalukuyang nag aaral ng kolehiyo. Isang taon lang ang pagitan ng tanda nito sa kanya. At parehas silang lumaking matalino.

Kakatapos lang sa klase nila at iyon nga, inaaya sila ng kaibigan niyang si Crissa na gumimik sa isang Bar. Ganoon naman kasi si Crissa, madalas ngang sabihan ng mga ka-klase niyang liberated si Crissa dahil naninigarilyo ito, umiinom ng alak at makapal daw kung mag make-up which is true. Pero hindi nola hinuhusgahan ni Anne ang pagkatao ni Crissa. Kahit naman mabisyo ang kaibigan niyang iyon ay napakabait nito, hindi lang talaga makita ng ibang tao dahil nakatatak na sa mga isip nito ang imahe ni Crissa na hindi magandang katangian.

Well si Anne naman ay religious type. Christian ito at ito ang madalas taga-payo sa kanilang magkakaibigan. Hindi rin nito hinuhusgahan ang pagkatao ni Crissa pero maka-ilang beses niya na ding pinagsabihan ang kaibigan nila na itigil na nito ang mga bisyo nito. Pero kahit ano namang pagpigil nila ay hindi pa din iyon sinusunod ni Criss. In short ay matigas talaga ang ulo ng kaibigan nilang iyon.

Nang matapos niyang iligpit ang nga gamit niya ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya na mauuna na siyang umuwi. Medyo nagtatampo pa nga si Crissa sa kanila ni Anne dahil nga hindi sila pumayag na samahan ito. Sa halip ay pina-alalahan pa nila na huwag na itong pumunta sa Bar.

Sa panahon kasi ngayon marami ng mga maagang nagbubuntis. Mapupusok na kasi ang mga kabataan ngayon at ayaw naman niyang mangyari iyon sa kanilang magkakaibigan. Hangad ni Marinella na matupad muna nila ang mga pangarap nila bago pumasok sa ganoong sitwasyon.

NAABUTAN niya ang Papa niya na nanonood ng TV sa sala nila ng makauwi siya. Isang sakay din ng jeep mula sa School nila ang bahay nila. Agad siyang nagmano sa ama.

"God Bless you." Anito.

"Ay Pa! Sa March fifteen na pala ang Graduation day namin. Valedictorian po ako." Buong pagmamalaki niyang sabi.

Ngumiti naman ang kanyang ama. Bakas ang tuwa sa mga mata nito. "Very good anak! Tatawagan ko ang Mama mo at ang mga kapatid mo sa probinsya para masabi ang magandang balita." Sagot ng kanyang ama.

Nasa probinsya kasi ang Mama niya. Kasama nito ang dalawa niya pang nakababatang kapatid. Naka-bukod sila at narito sila ngayon sa Syudad dahil narito ang trabaho ng Papa niya at dito din gusto mag aral ng Ate niya. Her father is a taxi driver. Nangungupahan sila ng bahay. Kaya naman hindi makasunod ang Mama niya at mga kapatid niya sa probinsya ay dahil kapos pa sila sa pera. Kaya nga nagsusumikap silang lahat para magkasama sama na sila.

Akmang pupunta na si Marinella sa silid nila ng Ate Marcella niya ng magsalitang muli ang ama niya.

"Ayoko pa din na sumasama ka sa Crissa na iyon, Marinella! Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kaibigan mong iyon." Muling paalala sa kanya ng ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Most Painful Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon