Masaya ako na nakikita kang masaya
Natutuwa ako dahil kita ko ang saya sayong mukha
Mga saya na madalang ko lang makita
Madalang ko lang makita... nung tayo pa ☹️Ang sarap isipin na ngayon sobra kang masaya
Ngunit masakit sa damdamin na sobrang saya mo sa piling ng iba
Sa bawat ngiti mo na abot hanggang tenga
Sakit naman sa puso ang aking nadaramaBakit ganun?
Akala ko tapos na.
Akala ko hindi na kita mahal
Akala ko kaya kong mabuhay ng wala kaLahat ng mga "akala ko" ay mali pala
Dahil hanggang ngayon mahal parin kita
Hindi ko kayang nakikita ka sa mga braso nya
At lalong hindi ko kaya na nakikita kang inlove na inlove sa kanyaAng tanga ko!
Pinakawalan ko ang isang tulad mo
Na tinanggap kung sino ako
Kahit andaming mali sa pagkatao koSiguro nga hindi ka karapat dapat sa taong tulad ko
Isang taong madali lang gawin ang salitang "pagsuko"
Isang taong hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal nya sayo
Isang taong pipiliin masaktan ng patagoSimula ngayon, pipilitin kong pakawalan ang nararamdaman sayo
Titiisin ko ang sakit dahil alam kong huhupa rin ito
Hindi man ora mismo
Pero alam ko maghihilom rin itoKaya maraming salamat sa mga panahong tayo pa
Maraming salamat sa pagmamahal na iyong pinadama
Maraming salamat sa mga inubos mong oras mapatunayan lang ang aking halaga
At maraming salamat sa mga ala alang binuo nating dalawa- ajgil