Nagkitakita kami nina aj,lj,julian sa harap ng lumang bahay,hinamon ko sila na pumasok sa lumang bahay at ang unang matakot o kabahan ay maglilibre sa barkada.
ang sabi ni
Aj: sige papayag ako.
Lj: ako rin(kinakabahan)
julian: mukhang natatakot ka yata Lj,papayag ako na pumasok sa lumang bahay.
Lj: di ah,di ako natatakot.
dominic: tara na.
kumatok ako sa pintuan at biglang bumukas ang pintuan pero walang tao dito.Natakot si Lj at sumigaw siya at narinig ng house keeper ang sigaw niya at pinutahan kami ng house keeper.
house keeper: anong ginagawa ninyo diyan mga bata(galit na galit).Umalis na kayo dito!.
umalis kami sa bahay na iyon at sabi ko magkita tayo sa harap ng bahay namin kinabukasan.
nung nag kita-kita kami sa harap ng bahay namin sabi ko
dominic: gumawa tayo ng plano kung paano makapasok sa lumang bahay na iyon nang hindi nakikita ng house keeper.
Aj: sang ayon ako sayo.
Lj: di ako sang ayon dahil baka mahuli nanaman tayo ng house keeper.
julian: baliw paano tayo mahuhuli bakit pa tayo nagplano kung mahuhuli ulit tayo.
dominic: tama nayang away niyo magplano na tayo.
pumunta ulit kami sa lumang bahay.
Dominic: ano sinong mauuna.
julian: ako!
dominic: o sige susunod kami.
pumasok si julian sa lumang at biglang sumara ang pintuan at na saradohan siya, pinilit naming buksan pero di namin mabuksan.
dominic: hala! lagot tayo.
aj: bakit naman?
dominic: kasi di natin mabuksan ang pintuan at lagot tayo sa nanay niya.
Aj: oo nga, nasan nga pala ang kapatid kong si lj.
dominic: andito lang siya kanina eh.
Aj: lagot ako kay nanay.
dominic: halika hanapin natin siya.
hinanap namin si lj sa buong bakuran ng lumang bahay pero di namin siya nakita.Nung maggagabi na umiwi kami ni aj at ako.
nung kina bukasan pumunta ulit kami sa lumang bahay at bukas ang pintuan nito. Pumasok kami ni aj at hinanap na namin si julian.
dominic: maghiwalay tayo ng direksyon kung saan pupunta.
aj: sige dun ako sa 2nd floor.
dominic: ako dun sa buong lobby.
nilibot ni aj ang buong second floor except sa isang kakaibang kwarto at nilibot ko naman ang buong lobby at nakita ko si lj na umiiyak nung nilapitan ko siya at bigla siyang sinapian ng spiritu sinakal niya ako hanggang sa nanghina ako.Pumasok si aj sa kakaibang kwarto at nakita niya si julian na nakupo sa kama inaya ni aj si julian na umalis na dito sa kwarto.
aj: huy julian umalis na tayo dito sa kwarto at kinakabahan na ako.
julian: sige asaan si dominic.
aj: nasa lobby.
julian: puntahan na natin siya.
nakita nina aj at julian na sisakal ako ni lj pinigil ni aj si lj sinampal naman ni julian si lj pa agising at mawala ang masamang espiritu na sumapi sa kanya at biglang bumagsak si lj sa sahig makalipas ng isang oras bumangon si lj.
Lj: anong nangyari?
dominic: sinapian ka at sinakal mo ako hanggang sa nanghina ako.
Lj: pasensya na.
aj: paano ka napunta sa loob ng bahay?
Lj:ah, nung sinabi ni julian na siya ang mauuna umikot muna ako sa bakuran at may narinig akong tumatawag sa pangalan ko at kaboses niya si kuya aj sinundan ko yung sigaw at naligaw ako sa isang kwarto yun.
dominic: ah kaya pala nawala ka.
julian: umalis na tayo dito sa loob ng bahay.
aj: oh sige! bilisan niyo.
nang na kaalis na kami tumakbo kami aming mga bahay.
magmula noon di na kami pumunta sa lumang bahay.
