* Short Only *

2 0 0
                                    

Hi ako si Liah!. Twenty two years old but still “NBSB” pa rin :( pero kahit na ganon masaya ako bilang single hehe.. parang ewan lang eh no?. Di maintindihan, hehe.. pero marami akong crush, crush lang naman mabilis din naman kasi ako magsawa sa mga nagiging crush ko especially pag mga nagiging close ko na (ang sama ko no? Wag na reklamo nakikibasa ka na nga lang eh, tandaan mo kwento ko 'to).OJT Student na nga pala ako ngayon sa isang company. ^____^

MAMA: Liah ano ba naman!. Yan ang sinasabi ko sayo eh, gabi ka na matulog tapos tanghali ka na magising baka maiwan ka ng service nyo!.

PAPA: Ikaw Liah tigil-tigilan mo na yang kapapanood mo ng mga korean drama ah?. Malapit ka na sakin. Hmpf!

AKO: Opo!. Sige po alis na po ako..=__=

Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ko pano ba naman 3 minutes na lang andyan na ang service kong jeep.

KUYA NIÑO: Oh!. Dahan-dahan baka madapa ka nyan?.

AKO: Hehe, sorry po late na naman ako!

Pagsakay ko ng Jeep, malamang umupo na ko!.

VINCE: Oh Liah your here. Akala ko wala ka na naman eh.

Siya si Vince isa ko na sigurong matatawag na friend?. Kasi dito lang naman kami nagkakilala sa service na jeep eh. Mabait siya at friendly kaya nga nagkakapalagayan agad kami ng loob kasi pareho kami ng ugali (sa pagiging friendly lang ah?. Sa mabait?..hmmm, NVM na lang haha!)

AKO: Hehe oo nga eh akala ko di na naman ako aabot, kundi pang 7:05am na naman ako sakay sa PNR.

VINCE: Ang kulit mo kasi eh, siguro sermon ka na naman no?. “Liah ano ba naman!. Yan ang sinasabi ko sayo eh, gabi ka na matulog tapos tanghali ka na magising baka maiwan ka ng service nyo!.”

(sa boses babae) ” Ikaw Liah tigil-tigilan mo na yang kapapanood mo ng mga korean drama ah?. Malapit ka na sakin. Hmpf!” (sa boses lalaki).

AKO: Hahahaha!. Hahahaha!. Hahahaha! Pasaway ka, alam na alam mo na yung lines ng parents ko ah?. Gayang-gaya, pwede na nga kita maging magulang eh. Hahahaha!

VINCE: Kasi naman eh ang tigas ng ulo mo. Dapat kasi kung gusto mo talaga yung mga ginagawa mo dapat kinakaya mo at ng wala kang naapektuhan sa iba mo ring gawain.

AKO: Opo! TayNay!. Haha!.

VINCE: Hay naku! Yan na naman tayo eh. Tsk!.tsk!

AKO: Hahahaha! (dinaan ko na lang sa tawa yung mga sinabi nya kasi totoo naman matigas talaga ang ulo ko) sige Vince idlip muna ako 1hour din ang biyahe, sayang din yun! Bawas antok sa office! Hehe.

Habang nasa biyahe syempre salpak muna ng Headset sa tenga ko para wala makatulog ako hehe. Now playing: Pangarap lang kita by: my favorite band ever “ Parokya ni Edgar”.

After 1hour..

VINCE: Liah, Liah, wake up, were here.

Pagmulat ko sa mata ko, Oo nga andito na nga kami sa Starmall Alabang. Asar bitin pa din yung tulog ko. Wish ko lang talaga di ako antukin nito sa opisina.

Poooooot!.pooooot!.pooooooot..........

Pagsakay ng tren syempre unahan sa upuan, at syempre makikipag-unahan din ako kasi technique ko yun para pag may matanda ako nakita dun ko sya pauupuin sa slot ko, bihira na rin kasi sa mga tao at especially sa mga kabataan ngayon ang nagpapaubaya ng pagpapa-upo. Well, pagdating naman sa Bicutan station tama ako may matanda nga at walang balak mag-paupo ang iba....

AKO: Lola, dito na po kayo oh. (sabay nginitian ko sya)

LOLA: Salamat hija!

Pagkadating ng Edsa Station...

Teenage DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon