Alex is on the media.
●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~●~
Angel's POVMonday ngayon at susunduin ko si Carol. Habang nagdadrive may nakita akong babae na nakatingin sa akin na nakangisi.
Para akong nakaramdam ng takot. Si ate. Oh no!
Nagpatuloy lang ako sa pagdadrive kasi for sure hindi siya yun kasi matagal na siyang namatay kaya baka namamalikamata lang ako.
Ganito kasi yan.
Flashback
Nandito ako ngayon sa tapat ng school ni ate para kidnapin siya.
Lahat na lang kasi inaagaw niya. I hate her so much.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay nakita ko siya kasama si Carol.
Dati friend ko si Carol. Ngayon minsan ko na lang siya makasama nang dahil sa kanya. Kainis!. I'm so frustrated. Mang-aagaw!
Tss..
Bumaba ako para gawin yung first move ko.
"Hi ate!"sabi ko sabay fake smile.
"Oh ikaw pala Angel. What are you doing here?"tanong niya
"Obvious naman na ako si Angel di'ba"bulong ko
"Are you telling something sis?"tanong niya.
"Wala po. Ah ate, pinapasundo ka kasi ni mama kasi pupunta daw kayo sa Batangas for Business trip"sabi ko
Tapos palaging siya pa ang sinasama ni mama sa lahat ng business trips niya. Siya na lang palaging bida.
"Ah ok lets go. Carol, I better go now"sabi niya sa friend ko sabay ngiti
"Ah sige. Ingat na lang kayo Angel"sabi niya. It's nice na tinawag niya ulit ako sa nickname ko. I really miss her.
Tumango na lang ako.
"Ingat ka din sa daan Carol"sabi ko.
"Tara na ate"aya ko. Papunta na kami ng parking lot since wala ng tao dito sinenyasan ko na ang mga tauhan ko malapit lang naman sila dito eh.
"I'm sorry ate pero kailangan kong gawin ito" sabi ko.
..
.
.
.
Alam niyo kung ano ang ginawa ko sa kanya matapos ko siyang painumin ng sleeping pills ayun sapul.Dinala siya ng mga tauhan ko sa isang abandonadong building.
Pagkatapos ng ilang minuto gising na siya kaya naman pumunta na ako sa kwarto na kanyang kinalalagyan.
Pagkarating ko doon nakita ko siyang umiiyak.
"Hi ate JESSICA"bati ko sa kanya pagpasok ko sa kwarto.
"Mmmmmm!"
"Hahahahahahaha ang hina mo pala talaga hahahahahaha and worst uto-uto. Bakit ba ako pinapalibutan ng mga uto-uto"sabi ko sabay hagalhak.
"Alisin niyo yung tali sa bunganga niya. Bilis!"sigaw ko sa mga tauhan ko.
Kaya naman agad agad na inalis nung isa yung tali.
"Walangya Angelica. Pagkatapos kitang alagaan ito lang ang igaganti mo. Napakasama mo!"sigaw niya sa akin. Ako naman nakangisi lang.
"Alam mo kung bakit ko ito ginagawa. Nang dahil lang naman sa pang-aagaw mo sa akin. Alam mo kung sino sila, sila mama, si papa, si Carol at si Omar. Hindi ba matagal mo ng alam na gusto ko si Omar ngunit anong ginawa mo nilandi mo siya. Walanghiya ka, ang landi mo. Nandidiri ako sa iyo. Kinasusuklaman kita!"sigaw ko sa kanya.
Nagsimula ng bumuhos ang aking mga luha.
Pagkatapos ng ilang minuto pinahirapan ko na siya. Hinang hina na siya parang gusto kong tulungan si ate pero bigla kong naalala yung pang-aagaw niya.
"Tara na. Iwan niyo na lang siya dyan"sabi ko sa mga tauhan ko.
Agad kaming naglabasan.
End of flashback
Yun ang nangyari akala ng lahat matagal na wala na ako, si Angel. Ginawa ko talaga yun. Planado lahat ng ito.
"Good morning Jessica!"masayang bati ni Carol.
"Good morning din!"bati ko sa kanya sabay ngiti.
"Nga pala, musta na yung paghahanap niyo kay Angel? Nag-aalala na ako sa kanya"sabi niya.
Napangiti naman ako bigla kasi naalala niya pa rin ako.
"Ayun wala pa ring balita. Tara na!"aya ko sa kanya.