Carol POV
"Carol, punta tayo sa park. Tambay tayo" narinig kong sabi ni Romeo.
Tumango na lamang ako.
"Tara na?"tanong niya.
Tumango na lang ako. Nakita ko na inilahad niya sa akin ang kanyang palad.
Tinanggap ko na lang at tumayo na ako. Kinuha ko na rin ang mga libro.
"Tulungan na kita"sabi niya.
"O sige"pagsang-ayon ko
Habang binabagtas namin ang daan papuntang parking lot napansin ko na parang may nakatingin sa amin.
Nevermind.
Someone's POV
Nandito ako kalayuan kay Carol at sa kasama niya marahil kaklase niya ito.
Namimiss ko na siya. Pero kailangan ko pang maghanda sa aking nalalapit na paghihiganti kay Angel. Napapangisi na lang ako sa tuwing naalala ko yon. Ano kaya magiging reaksyon mo Angel kung makikita mo ang taong minahal ka ng sobra at ang ginawa mo lang ay traydorin siya?
Humanda ka Angel!!
Carol's POV
May feeling talaga akong may nakasunod sa amin. Hayy.
Ang weird talaga.
Nandito na kami sa park at naglalatag na kami ng banig.
"O ayan tapos na!"sabi ni Romeo
"Ahm.. bili muna ako snack natin, ha?"sabi niya
Tumango na lamang ako.
*after 10 mins.*
Nandito na si Romeo and mag-iistart na kami kumain. Ang binili niya ay Jollibee. Favorite niya kaya ito??
Hayy....
"Bakit ito ang binili mo??"tanong ko out of the blue.
Hindi naman ako maarte I'm just thinking if kung anong reason niya. Hayss....
"Ayaw mo ba?"habang sinasabi niya yun nakita ko sa mata niya na malungkot siya.
"Hindi naman. Gusto ko naman yan eh kaya lang nacucurious ako kung bakit sa dinami dami ng pwede mong bilhin na pagkain ito pa?"paliwanag ko
"Kasi favorite ko yan eh!"
"Ok. Ano, start na tayo kumain?"
"Sige!"
Habang kumakain ako napansin ko na sumusulyap ng tingin si Romeo sa akin.
Nakakailang....
"O bakit tingin ka ng tingin?"tanong ko.
"Napansin ko lang eh noh. Maganda ka kung wala kang eye glasses."
Naramdaman ko na namula yung pisngi ko.
"You're blushing huh?"nakangiting tanong niya.
"Hayy nako bolero talaga 'to! Kumain ka na. Sayang ang grasya!"sabi ko sa kanya.
"Oo na!"
After 10 minutes of eating papunta na kami ngayon sakabilang side ng park. Dito kasi sa park may dagat sa kabila nito.
Bale ganito yun.
PARK DAGAT
Ganyan yung ayos.
It takes a minute para makapunta ka don.
Atsaka hapon na kasi at kitang kita mo ung view ng sunset.