Chapter 1✖️

80 3 0
                                    

•Navigne Pov

Hi! Im Navigne Chanel Erveden. Erveden is pronounced as Erveden, wala naman kasi talagang ibang pronunciation dyan basahin niyo lang.

Im 17 years old 4th year student.

Nagaaral ako ngayon myrount high or should i say NAGARAL. Why? I'll tell you later.

Im just your normal high school girl. Nothing special. Madalas ako nab'bully
Kasi weird daw ako. Im kinda getting tired of being bullied all the time.

Kaso bigla nagbago lahat simula ng mangyari yun.

Yung bagay na hindi ko inaasahan well kahit na sino hindi inaasahan yun.
Want to know? Well ito nangyari

Flashback~
It was afternoon that day. Andito ako sa cafeteria magisa at tahimik na kumakain alam mo na, para iwas gulo.

Nakain lang ako hanggang sa napatayo ako kasi mag nagtapon ng juice sakin. Pag tingala ko, yung queen bee pala. Si Tyra.

"Enjoying your meal weird girl? Naamoy kasi kita mula sa seat ko that's why i decided to wash you up. Actually your body doesn't deserve my drink its too expensive hahahahha you stink" nandidiri niyang sinabi sakin yun.

Naiiyak nanaman ako. The fuck. Lahat ng tao sa cafeteria tawa ng tawa naghihiyawan pa nga yung iba.

"What now? Going to cry again like a baby? Poor girl" sabi naman ni trizza ang kaibigan ni tyra.

Sa araw araw na ginagawa nika to sakin. Napapagod na din ako. Pero ang luha ko hindi nauubos.

"Come here bitch! Trying to ignore us huh?!" Hinila niya ang buhok ko tapos sinampal ako ni trizza

*pakkk
*pakkk
*pakkk
*pakkk

Pulang pula na siguro ng pisngi ko. Ang hapdi. Ang sakit. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko. Sobra na sila

"Ano?! Di ka man lang ba iimik ha?!"
Sigaw ni tyra sakin habang patuloy na hinihila ang buhok ko.

Ang sakit. Sakit. Lungkot. Galit. Yan ang nararamdaman ko ngayon.

"Tama na. Masakit na tyra eh wala naman akong ginagawa sayo"

"Wala?! Just by seeing your face pissed me off big time weird girl!"

Magsasalita pa sana ako kaso  sinampal na niya ko at kasabay pa nun ang pagkalmot niya sa muka ko.

Ang hapdi. Hinawakan ko ang pisngi ko at nakita kong may dugo dun.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng takot, sakit, galit, inis, lungkot, lahat ng yan ay naramdaman ko. Biglang kumidlat ng malakas.

At nakita kong umuulan na din ng malakas. Glass wall kasi ang cafeteria kaya nakikita ang nasa labas.

Bigla nabasag yung salamin at humangin ng malakas. Maya maya pa ay nararamdaman kong gumagalaw ang mga mesa.

Lumilindol. Sigawan ng sigawan ang mga tao sa cafeteria.

Nanatili akong nakayuko habang hawak ang pisngi kong nagdurugo.
Hinatak ni tyra ang kamay ko at nung napatingin ako sakanya, bakas ang takot at pagkagulat sa mukha niya pati ni trizza.

"Ikaw ba may gawa ng lahat ng to?!?"
Sigaw ni trizza habang humahakbang sila papalayo sakin.

"Wala akongn ginagawa" iiling iling pa ko habang sinasabi yan.

Archemis AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon