Scenario 49

149 7 0
                                    

Kapag nag girlfriend ka ng KPOP FANGIRL dapat mahaba ang pang unawa mo, sinusupurtahan sila sa gusto nila at alam mo ang limitasyon mo.

1. Kapag pinakita niya yung picture ng BIAS nila, Puriin mo yung Bias niya. Sigurado ako matutuwa yun sayo.

2. Dapat KPOP FANBOY ka! Okay lang kahit medyo nag papa GIRLY TYPE ka. Mas gusto nila yun.

3. Wag kang mag aangal at magseselos kung pinapakita niya yung bulge ng bias niya.

4. Pag-gusto niya magpunta sa K-Events samahan mo tapos maging photographer ka pag nagpapa-picture siya sa mga PH at Ulzzang.

5. Dapat updated ka sa KPOP or kahit hindi naman masyado basta may alam ka na updated.

6. Kung nag d.dance cover siya i-Cheer mo lagi at Suportahan.

7. Maging LOYAL ka naman Pre! wag sabay-sabay. Wag MALANDI!

8. Kung SPAZZER siya, mag Spazz kadin para SPAZZ TOGETHER.

9. Wag kang maniniwala sa FOREVER. Bitter ang mga KPOP FANGIRL pagdating sa salita nayan.

10. Tulad nga ng 7 Wag maging malandi OKAY! LOYAL DAPAT! LOYAL! Putangina! LOYAL OKAY!

[TRIVIA: THIS IS NOT A TRIVIA I THINK :( BASTA DRAMA MUNA TAYO]

Dilaw.

Sa ngayon, ito na ang huling beses na makikita nyo ang yellow ocean. Ngayong araw na ang huling performance ng Bigbang bilang limang members. Ilang oras na lang at ang limang hari na inyong hinangaan ay maghihiwahiwalay na... sa mahabang panahon.

Siguro'y naka-graduate na kayo kapag nakita nyo silang muli na magkakasama. Siguro'y may trabaho na, may asawa, o baka may anak pa.

Napakahabang panahon kayong pinasaya ng Bigbang. Siguro'y elementary o highschool pa lamang kayo noong sumulpot sila. Sinong mag-aakala na ang lahat ng ito'y may wakas pala? Oo, lahat ng bagay ay may wakas. Pero hindi lahat ng nagwawakas ay hindi na bumabalik.

Magbabalik sila. Pero mahihintay nyo ba? Loyalty at happiness ang simbolo ng kulay dilaw. Kaya't sana'y maging loyal pa din kayo sa Bigbang kahit na mawala sila ng matagal na panahon.

Salamat sa lahat ng mga VIP na sumuporta sa mga anak ko. Sa lahat ng saya, lungkot, takot, o pagsubok ay sinamahan nyo sila. Hindi nyo sila iniwan.

Sana'y dumating ang araw na muli tayong magkita-kita. Mawawala sila ng matagal, pero hindi nila kayo malilimutan.

Ngayon ay isasara ko na ang kabanatang ito sa buhay ng limang hari. Sana'y nandyan pa din kayo kapag binuksan ko ang isang bagong kabanata. Medyo matatagalan, pero nangangako akong ito'y mabubuksan.

Hanggang sa muli, Bigbang! Hindi kami magpapaalam.

credits to the owner: Tandang YG

Buhay FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon