Aeiou

228 66 49
                                    

An awesome dedication to inbaesible, thank you and Godblessü

"Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya. We're very sorry." Untag ng doktor.

Bago pa siya tuluyang umalis ay tinapik-tapik niya ng maka-ilang beses ang braso ni Mama at binigyan pa siya ng tingin na may simpatiya. Hindi rin nagtagal ay humakbang na palayo ang doktor at tinungo ang isang kwarto, 'di kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

Ibinaling naman nito ang naka-aawang titig sa kapatid kong walang tigil sa pag-iyak at mahigpit na nakapulupot ang mga kamay sa kanyang baywang. Hinaplos na lamang niya ang ulo nito upang pakalmahin at maramdaman din ng paslit na hindi siya nag-iisa. Mula sa direksyon ko ay malungkot ko silang pinagmamasdan. Sa totoo lang, nasa harapan nila ako.

Pero, hindi nila ako pinapansin.

Parang wala silang nakikita.

Pakiramdam ko hindi nila ako kilala.

Nag-iinit ang paligid ng mga mata ko, pinipigilan kong tuluyang lumabas ang luhang nagbabadyang tumulo. Ngunit, nabigo ako. Tuluyang kumawaka ang mga puting likido mula sa mga mata ko. Mahigpit ang kapit ko sa aking dibdib. Mabilis at tila naghahabol ako ng hininga. Hindi ko mapigilan ang sakit nang makita silang nasasaktan. Akamang hahakbang na ako para mas lalo akong lumapit sa kanila nang makarinig ako ng isang 'di kilalang tinig.

"Miss.." Tawag sa'kin ng isang boses. Tila nagmula sa isang binata.

Napasinghap ako't mabilis siyang hinarap.

Pinagmamasdan ko ang isang lalaki na dala ang blangkong ekspresyon ng mukha at may kung anong itim na bagay ang hawak niya sa kaliwang kamay.

Lamang ang tangkad niya sa'kin ng labing-tatlong pulgada, dahil sa aking pagkakatanda ang taas ko lang ay nasa 5'3. Lumutang ang kaputian niya at mapayat niyang pangangatawan sa suot niyang black suit and tie. Bigla kong naalala sa kanya yung lalaki sa isang sikat na palabas noon. Kung tama ang sinasabi ng memorya ko iisipin ko na siya yung gumanap na scheduler sa nasabing programa.

Pinunasan ko ang mga natuyong luha sa pisngi ko. "S-sino ka?"

"Isang kaibigan." Aniya.

"Pasensya na, hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala." Tinalkuran ko siya at binalingan sila Mama ngunit wala na sila sa kinatatayuan nila at tinungo ang kahalintulad na kwarto na pinasok ng doktor.

"Pwede kang umalis, pero hindi mo ako matatakasan." Matabang niyang tugon.

At para siyang isang kabute na bigla nalang sumulpot sa aking harapan. Hindi manlang niya ako makuhang tingnan sa mga oras na 'yun, dahil ang kanyang atensyon ay nakatuon sa nakabuklat na folder na hawak niya. Sa gulat ay kamuntikan na akong mawalan ng balanse dahil sa mabilis kong paghakbang paatras.

"Ano bang gusto mo? Bakit ka ba nanggugulo?" Asik kong sinabi sa kanya habang ang magkabilang kamay ko ay nagkukuyom sa galit.

Itinigil niya ang patuloy na pagpihit ng pahina at binigyan ako ng makahulugang tingin.

"Magandang tanong 'yan, pero ayokong mag-usap tayo dito." Turan niya at walang kurap na tiniklop ang folder. "Alam mo 'yun, masyadong maingay marami akong naririnig na nag-iiyakan at humihingi na buhayin ulit ang mga minamahal nila. Nakakairita." Malamig niyang paliwanag at idiniin ang salitang nakakairita.

Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko sa kanya. Nakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong sistema. Bumibigat ang dibdib ko't mas lumalalim ang aking paghinga. Hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin. 'Di ko gusto ang mga ganyang biro. At wala ako sa tamang timpla para makipagbiruan sa taong ngayon ko lang naman nakita.

AEIOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon