Two

47 4 0
                                    

“ Hoy.. Ano na ? ” tanong ni Andrew kay Miggy. Napa-kibit-balikat nalang siya. Binaling naman ni Andrew ang tingin kay Chtistine na ngayon ay abala sa sinusulat sa notebook.

“ Ano na Tin-tin? ” tanong niya rito.

“ Wag muna ngayon Andrew.. Basta kailangan muna natin makausap sina Noel at Mia..” sagot niya rito habang abala parin sa kanyang sinusulat. Napa-roll eyes nalang si Andrew. Atat na kasi itong pumunta sa Grim Forest. Interesado siyang matuklasan ang misteryo ng kagubatan.


Habang si Miggy ay panay sulyap kay Mia na ngayon ay seryosong nakapikit habang nakapalsak sa tainga ang kanyang headset.

Iniisip nito kung ano ba ang meron sa kagubatang iyon..

Ng matapos ang kanilang klase. Naunang umalis si Mia sa kanila, nagpaalam muna ito sa mga kaibigan niya at sa nobyo nitong si Noel. Habang pasikretong sumunod si Miggy sa kanya. Kanina niya pa kasi itong nakikitang seryoso at nakakunot ang noo. Kaya naisipam niyang sundan ito..



Sa mahabang hallway dumaan si Mia habang hindi alam na nakasunod sa kanya si Miggy.. Alas-singko na ng hapon kaya kunti nalang ang tao sa library. Hanggang alas-otso ang bukas ng kanilang library kaya pwedi pa siyang makapasok sa loob.. Kunti narin ang mga studyanteng nasa loob, kalimitan dito ang mga working students at may mga night classes..

Patago namang nakasunod si Miggy kay Mia.

Dumiritso si Mia sa mga bookshelves ng nature and histories, kung saan dun kinuha ni Christine ang libro na binasa nila..
Nagtaka naman si Miggy. “ Akala ko ba hindi siya interesado sa mga history and nature books? ” tanging naibulalas ni Miggy habang nakatitig kay Mia.

Umupo na si Mia sa isang tagong space.

Grim Forest Tale ” pagbabasa ni Mia sa unang pahina..

Taong 1678. Ang Grim Forest ay isang napakagandang lungsod kung saan nakatira ang mga maharlika.....” linipat niya ang pahina.
Taong 1890 ito ay nawasak at hindi na muling pinakinabangan at pinansin...” linipat niya ulit ang pahina.. Hanggang may nabasa siyang listahan..

Mga taong nawawala. Sa taong 2001.” napakunot ang noo niya dahil sa nabasa..

Leonardo Verrelle..

Diopelo Ferro.

Diosdado Serio.

Frank Gomez..

D...dad ?” di makapaniwalang bulalas niya ng mabasa ang huling pangalan.. It was her dad. Kaya naman hinanap niya ang mga profiles, at hindi nga siya magkamali. Pangalan at mukha ng kanyang ama ang nasa list kung saan ginawaran ng heroes..

Mia... ” agad na napaangat ng tingin si Mia ng marinig ang tawag ng kanyang kaibigan. Hindi manlang nito naramdaman ang presensiya niya..

Anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta dito? Sinundan mo ba ako?” walang pakundangang tanong niya kay Miggy. Tumango naman ang binata at umupo sa bakanteng upuan na nakatapat sa kanya..

Alam kung hindi mo gusto ang mga taong nang-iistorbo, pero ito ako. I know it’s about the forest.. And about your dad...” nakatitig lang si Mia kay Miggy. Seryoso ang dalagang nakipagtitigan sa kanya, pero sa huli yumuko ito.. Matagal ng magkakilala ang dalawa. Kilalang-kilala nila ang isa’t isa. Maging si Miggy. Alam niya ma ring nawawala ang ama ni Mia, at alam rin niyang isa ito sa mga tinaguriang hero at ngayon lang naniwala si Mia, dahil nga sa nabasa niya sa libro.



Tutulungan kita Mia.. ” seryosong sabi nito sa dalaga. Habang si Mia ay nakatitig kay Miggy. Na ngayon ay nagkakatitigan ang dalawa, para bang nag-uusap ang mga mata nila..





Habang sa di kalayuan nakakuyom ang kamao ni Noel na handang manuntok ng kapwa.. Habang matalim na nakatitig sa dalawang nagtiti-titigan sa isa’t-isa.. Alam niyang matagal na itong magkaibigan, girlfriend niya na ito pero di niya mapigilang makaramdam ng galit at selos. Kita mismo at ramdam niyang may gusto si Miggy sa kanyang girlfriend.. Kaya hindi niya ito hahayaang makuha sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya..









AN: Next please........

Grim ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon