Three

794 24 7
                                    

[James Reid's P.O.V]

"Hindi nya agad sinabi sayo dahil ayaw ka nyang mahirapan kasama sya. Kung nahihirapan sya, mas gugustuhin nalang nya na sya nalang ang mahirapan."

Pag e-explain nya saakin. Yung sinabi ko noon na sana sya nalang ang nakadama ng sakit na dinadama ko? Binabawi ko na. Kasi sya naman pala ang sobrang nasasaktan ngayon. At dahil sa sinabi kong iyon, feeling ko napakagago ko.

"At ayaw nyang maging pabigat sa'yo."

She said while staring at her daughter. And same with me. Grabe ang pinayat nya. Malaki na rin eye bags nya. Palagi raw kasi syang umiiyak tuwing magte-text sya saakin. Kung sana alam ko lang agad ang kalagayan nya edi sana di na sya nagkakaganito.

"I can take care naman of her po. Sana naman naglaan sya ng tiwala sakin. I love your daughter so much. Kung pwede nga lang ipasa nya sakin ang sakit nyang yan eh. Sana di na sya nahihirapan ngayon."

Sabi ko while wiping my tears away. She has a brain cancer. I don't know what's the stage because I don't know if kakayanin ko pa kung malaman ko kung anong stage na.

Lumapit ako sakanya atsaka hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Please. Kayanin mo yan. Lumaban ka, Naddie."

I said and I kissed her hand. Bigla syang nagising at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Ja....james..."

Sabi nya ng nahihirapan. May tumulong luha sa pisngi nya. Pinunasan ko yun atsaka hinalikan sya sa noo.

"James... A-ouch!"

Bigla nalang syang sumigaw at hinawakan ang ulo nya. Tita My startled and then nilapitan nya si Nadine.

"Anak! Why? Masakit na naman ba ulo mo? Anak! Wait! I'll call the nurse. James iho, please I'll leave her to you for awhile. Babalik din ako."

Natataranta nyang sabi. Di ko alam ang gagawin ko kasi maski ako natataranta na rin pero ang nagawa ko lang is titigan sya.

"Just wait for the nurse, nadz."

Yan nalang ang tanging nasabi ko atsaka panay tingin sa pinto. Ilang minuto pa ay dumating na ang nurse kasama si tita My.

"Relax lang ma'am."

Sabi ng nurse atsaka pina-inom sya ng gamot. Tita My just hugged me. I feel the pain that she's feeling right now. And it kills me!

Ilang minuto ay kumalma na sya. Siguro nawala na yung sakit dahil sa gamot. Kung alam ko lang sana na ganito kahirap ang pinagdaanan nya sana pala noon palang pumunta na ako rito.

You're so stupid James. So stupid.

"James... Punta naman tayo sa nursery section ng hospital."

Bigla nyang request. Tumingin ako kay Tita My and then tumango sya.

"Teka lang, kukuha muna kita ng wheelchair anak ah?"

Sabi ni Tita My and then lumabas na sya. Lumapit ako sakanya.

"Nadine.. I'm sorry. I'm really sorry for not letting you see me for a long time. I know that I'm stupid. Alam ko naman sa sarili ko na I want to see you so bad pero nagpadala ako ng galit ko."

I started the conversation.

"Mahal pa rin pala talaga kita. Mahal na mahal."

Sabi ko sabay hawak ng mahigpit sa kamay nya.

Just One Day | JaDine FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon