Chapter 1: Kabataan

13 3 0
                                    

Only girl sa pamilya si Casie, buong atensyon ng pamilya ay nasa kanya, bilang bunso at

nag-iisang anak na babae, makulit na bata si Casie, halos lahat ng gusto e nasusunod

pero binibigyan pa rin sya ng limitasyon, dahil ayaw ng mga magulang nya na lumaki syang

spoiled brat tulad ng ibang bata.


Nakatira ang pamilya ni Casie sa kanayunan, kahit malayo sa kabihasnan, sagana pa rin

sa ibat ibang kagamitang elektriko ang pamilya, ngunit malimit lumabas ng bahay si Casie,

natatakot ang mama nya, na sa labis na kalikutan ng anak ay kung ano pa ang mangyari dito.

Minsan nga, nawala si Casie sa loob ng bahay, hinagilap ng mama nya ang buong bahay, ngunit

hindi sya natagpuan; nagulat na lamang ang ina ng makitang lumalambitin sa sanga ng punong

mangga si Casie, napagalitan ang bata sa kalikutan, minsan pa nga naglalaro ng bahay

bahayan si Casie, matatagpuan na lamang sya ng ina, sa malaking kanal malapit sa bahay

nila.


Di naglaon, nakahanap ng kalaro si Casie, ng dumating ang kanyang nakakatandang pinsan na

dalawa o tatlong taon ang agwat sa kanya, bagong lipat ang kanyang batang lalakeng pinsan galing

galing sa lungsod. Nagkaroon ng kalaro si Casie, si Billy, ang pinsan nyang mayaman sa

imahinasyon, kaya't ang simpleng araw ay nagagawang makabuluhan sa pamamagitan ng mga

tauhan na laruan sa kanilang tahanan.


Isang linggo ng dinala si Casie, sa simbahan sa bayan upang magsimba, sisidlan ng kagalakan

si Casie sa unang pagkakataong makita ang bayan, ang makukulay na lobong hawak hawak ng

mga naglalako, ang mga bulaklak sa hardin, at ang mga batang, ni minsan sa buhay nya ay di

nya nasilayan. Sa kanyang kagalakan tinungo nya ang hardin sa tabi ng simbahan, umupo sya

sa harap ng dambana, ng Inang Maria na kalong kalong ang batang si Jesus.


"Hello." ,bati sa kanya ng isang batang lalakeng halos kaedad nya.

"Bakit ka nandito?",sagot naman ni Casie sa bata.

"Namamasyal kami, e ikaw bakit ka nandito?"

"Titingnan daw namin si Jesus sabi ni mama", wika ni Casie sa batang dinidilaan ang hawak

na sorbetes.

"San mo nakuha yang kakaen mo?",tanong ni Casie sa bata.

"Binili to ni papa dun sa malayo, bakit gusto mo ba? sayo na lang gusto mo? ayaw ko na

kasi",alok ng bata kay Casie.


Tinanggap naman ni Casie ang sorbetes sa bata, at inumpisahang dilaan.


"Michael!", tawag ng isang babae mula sa gate ng hardin.


Lumapit ang batang lalake sa babae, at kalaunaý sumama na.

Naubos ni Casie ang sorbetes na binigay ng bata, at inumpisahang, akyatin ang dambana ng

inang Maria. Hinawakan nya ang imahe, at inumpisahang umupo sa kanlungan ng imahe ng inang

Maria, napausdos si Casie sa pagkakaupo sa imahe at nahulog sa baba ng dambana.

Labis ang sakit na naramdaman ni Casie nang lumagapak sya sa lupa sa baba ng dambana,

humagulgol ang iyak ni Casie sa buong hardin na sya namang pasok ng kanyang ina, tinakbo

nyang nilapitan ang anak, at itinayo sa pagkakaupo sa lupa. Maya maya, dumating muli ang

batang lalake na kanina ay kasama ni Casie sa hardin.


"Hala, tinulak ka ni Jesus ang kulit kulit mo kasi eh.", wika ng bata kay Casie.

"Mama, bad ba si Jesus?", tanong ni Casie sa ina.

"Hindi anak, napagod lang kasi si mama mary kaya nabitawan ka nya, pero di nya sadya yun."

"Michael!", tawag ulit ng babae mula sa gate ng hardin.

"Mama saglit lang nahulog yung kalaro ko eh."

"Ay musta ka naman iha? ok ka lang ba?"

"ok naman sya, ako nga pala si Emy, itong anak kong si Casie."

"Ako naman si Alice, ito naman anak ko si Michael."

"Eh kasi Casie pala pangalan mo bata.", sabi ni Michael kay Casie.

"oo e ikaw naman si michael taba."

Return To Your First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon