Chapter 2: Duyan

7 0 0
                                    

"Casie, bilisan mo malelate na tayo sa school."

"Saglit lang Mike."


Grade 1 student na si Casie at Mike, sa parehong eskwelahan sa bayan. Pareho ng seksyon,

at pawang matatalinong estudyante. Tuwing pagpasok at pag uwi sa hapon ay magkasama pa rin

ang dalawa, na parang mahirap ng paghiwalayin pa. Minsan pa nga ay nkukutya ng iba, na

balang araw sila ang magkakatuluyan.


Dahil lalake ang karamihan sa mga nakakasalamuha ni Casie, hanggang sa syaý magkaisip

tila naging kilos lalake si Casie, at mga laruang baril at espada ang nakagiliwang laruin.

Isang umaga, hindi pumasok si Mike sa kanyang klase, na ipinagtaka ni Casie, hindi man

lang sya nasibihan ng tungkol dito, eh dati rati naman, nasasabihan pa sya, kung may sakit

at hindi makakapasok. Dumating pa ang tatlo at limang araw, at tuluyan ng di nakita ni

Casie ang kaibigan, minsan naitanong nya ito sa mga guro nila, ngunit hindi naman sya

mabigyan ng matinong sagot, minsan humingi na rin si Casie ng tulong sa kanyang pinsan na

hanapin si Mike, ngunit wala talaga silang mahagilap.


Lumipas pa ang mga buwan at taon, at wala ng Michael Rivera na nakita si Casie. Isang araw

habang, nagmumuni muni si Casie sa bakuran ng kanilang bahay, napansin nya ang nakaipit na

papel, malapit sa kanyang kinauupuan, kinuha nya yon, binuksan at binasa, ang simpleng mga

salitang nakasulat sa maliit na papel.


"Bakit ka malungkot?"


Nagtaka si Casie sa nakasulat sa papel, tila ba, may sariling buhay ang papel, at tinanong

ang kanyang kalagayan, bakit sya malungkot? Dahil nag iisa na lamang sya, at iniwanan na

ng lahat, yun lang naman ang sumagi sa isip nya na pwede nyang sagutin sa papel. Natawa na

lamang sya ng makita ang sariling nagsusulat sa lupa, ng "kasi mag-isa ako".


Grade 5 na noon si Casie, at gaya sa umpisa, mag-isa, ang dati nyang kalarong pinsan ay

may sarili ng barkada, at si Michael, hanggang ngayon ay hindi na natagpuan pa. Galing

eskwelahan noon si Casie, pauwi sa bahay nila, ng mapansin nya ang papel na nakaipit sa

trangkahan ng gate nila, kulay dilaw yun. Kinuha nya ang papel at binasa.


"Nandito lang ako, hindi ka mag-iisa."


Nagulat si Casie, sa nabasa, naisip nya baka nabasa ng kung sino mang taong yun yung sinulat

nya sa lupa noong nabasa nya yung unang papel na nakita nya. Dahil sa kaguluhan, kinuha

nya ang kanyang bolpen mula sa kanyang bag, at sumulat sa likod ng papel.


"Sino ka ba?"

Return To Your First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon