Chappy 9

11 0 0
                                    

LA's POV

Habang nakahiga sa kwarto na katabi si Fran na natutulog.

"It was a nice feeling na may nasasabihan ng mga sikreto, matagal-tagal ko na din ito tinatago tsaka in denial pa ata ako. May tiwala naman ako kay Fran na itatago nya din ang sikreto ko. Safe ang secret ko sa kanya." anang sabi sa isip ko.

Hindi ko ugaling magladlad at magpaka bakla kung baga out of 100% eh 99.99% lang yung pagiging berde ko. Sadyang bading ako in nature!

Maagang namatay ang Mama ko dahil sa sakit, at ikaw ba naman ang magkaroon ng apat na kapatid na puro babae. Sila ang nag-alaga sa akin, naging kalaro ko sa araw-araw. Minsan nga'y binibihisan akong pambabae at mina- make up'an. Si Daddy Rob naman eh ayun subsob sa trabaho. Wala man lang ako maka usap at makalaro kasi over protective ang mga atey, kaya siguro nakalakihan ko na puro pambabae ang nasa paligid ko.

Habang lumalaki ako eh parang ramdam kong iba ako sa lahat pero pinipigilan ko ito at dahil din kay Papa na ayaw kong magalit.

Nakalimutan ko na ang ganitong issue sa self ko hanggang hinalikan ako ni Fran.

Hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang damdaming iniukol sa akin ni Fran. Ilang taon na naman kami magkasama sa iisang bahay.

Kaya nga inaalagaan ko siya sa abot ng aking powers. Hindi ko hinahayaang makalampas ang sino mang men ang pumorma dito. Yun ang di alam ni Fran.

Ayaw ko syang masaktan at lalong ayaw ko syang paasahin. Siya yung tipong di pwedeng saktan at minamahal.

Amp*t*!!!!! ang bakla ko lang talaga. Ang corny ko.

One KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon