GENEROUS'S POV
''Hubby bilisan mo naman! Naghihintay na sila!'' Napatakip ako ng Tenga sa lakas ng sigaw ni Mommy. Nakadungaw kasi siya sa bintana ng Karwahe at si Dad naman nasa labas at Kinakausap ang ilang castle guards.
"Kumpleto na ba ang mga gamit mo? Baka may nakalimutan ka pa. Yung mga Gloves mo ha? yung Kwintas Ingatan mo.'' Sunod sunod na tango ang isinagot ko kay Mommy at Isang tipid na ngiti.
Dumungaw ako sa kabilang bintana ng maramdaman kong inabot ni Mom ang Kamay ko at inayos ang suot kong Gloves. Napa-buntong hininga ako at tumanaw sa malayo. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko gamit ang isang kamay ko. Muli ay nagpakawala ako ng Isang buntong hininga.
Ngayon Namin dadalhin sa Academy ang Mga gamit ko at Aayusin din ang Dorm na gagamitin ko ngayong Taon. Huling Taon ko na sa Academy pero Parang wala lang sa akin. Sa tingin ko ay magtatapos ako na Hindi nakadarama ng lungkot, hindi tulad ng iba.
Matagal ko na kasing gusto maka-Graduate mula sa Academy ng Genovia. Wala man lang kasing nangyaring maganda sa akin nitong mga nakalipas na taon. Mula ng pumasok ako sa Primary hanggang ngayon na nasa Tertiary na ako ay Walang nagbago sa Araw araw na buhay ko.
Prinsesang matatawag pero iniiwasan. Minamaliit at hinuhusgahan. Sabi ni Lola sa akin Huwag ko nalang pansinin ang nasa paligid ko. She even said that I should be thankful that I have Parents and I'm a Princess. I'm an Heiress. Seriously? I'm an heiress? I'm not even an Aether user! I have Friends and their all Royalties. Pero bakit ganun? kahit isaksak ko sa isipin ko ang mga magagandang bagay na yun ay parang gusto ko parin isumpa ang sarili ko? Mali isinumpa nga pala ako kaya ako nagkakaganito.
Naramdaman ko ang pag-alog ng bahagya ng Karwahe kaya alam kong kakasakay lang ni Dad. Hindi ko siya nilingon at pumikit nalang ako. Narinig ko ang pag-uusap nila pero di ko nalang pinansin. Buti pa si Mommy at Daddy. Masaya sila. Hari at Reyna ng buong Genovia at ng Aither. Plus the fact na immortal silang dalawa. Mula ng maging immortal sila noong 18 years old sila ay hindi na nagbago ang mukha at katawan nila. Pati ang kapanyarihan nila ay tila mas lumalakas. Si mom? The most Powerful Genovian. The most Powerful Queen and the Most powerful immortal. Dad the strongest King alive. Hanggang sa dulo ng walang hanggan magkasama sila. Hindi tumatanda at hindi mamatay. Halos kaedad ko lang sila kung titignan.
SA totoo lang naiingit ako sa kanilang dalawa. Bakit sila Immortal? Bakit sila Malakas? Makapangyarihan at Masaya habang buhay? Bakit ako ipinanganak na Ganito? Mahina, Isinumpa at walang kwenta. I envy my friends. Buti pa sila almosta perfect na ang buhay nila. Bakit sakin ang unfair? Bakit ako pa ang binigyan ng ganitong sitwasyon? Lagi akong nakasuot ng Gloves na mismong si Mom ang Dad pa ang gumawa para lang hindi ako makasira. Para lang hindi ako makasakit ng nasa paligid ko.
Bakit ang ibang Prinsipe at Prinsesa ng ibang kaharian ay namana nila ang kapanyarihan ng mga magulang nila? ?Bakit ako Hindi? Bakit ganito? bawat bagay na mahawakan ko ay nasisira. Bawat bagay na may buhay, kapag hinawakan ko ay namamatay. At lahat ng mahawakan ko ay nanghihina? Sa loob ng 20 years ay Ganito na. 20 years kong itinatago ang kapangyarihang napunta sa akin na ayoko namang makuha. Alam ng lahat kung ano ang kaya kong gawin pero kahit minsan ay Hindi ko iyon ipinakita sa kahit sino. Dahil ayoko. Galit ako sa sarili ko at ayoko sa Kapangyarihang meron ako. Tutal wala namang sinabi ang propesiya na muling magkakaroon ng digmaan, kaya pinili ko nalang na huwag gamitin. Nakatutulong din ang Kwintas na ginawa ni Gandalf para mapigilan ko ang pagwawala ng kapangyarihang nasa akin.
YOU ARE READING
GENOVIA ACADEMY 2: THE CONTINUOUS LEGACY
FantasyThe Child. The child of the Knight. The Child of the Fire Heir. The Child of the Aither Holder. The Child of the Most powerful lady among Genovians. The child who should be the next inheritor of Aither. The child who must posses what the parents hav...