10:Ang Kirot

22 4 0
                                    


Late update na talaga ituuu.Suhryy talaga guys dahil ang tagal kong hindi naka-update kaya ito pambawi ko.

Amethyst's Pov

"Bestie.Tara na"agad akong hinila ni Shainelle pagkatapos ng morning classes kaya wala na akong nagawa kundi nagpahila.



Pagadating namin sa may garden.Umupo kami sa may bench,tinanggal ko ang pagkakahawak ni Shainelle sa kamay ko at kinunutan siya ng noo.




"Ano na namang nangyari?Bakit ang laki ng ngiti mo ngayon?"tanong ko sakanya.Namula ang pisngi niya.Hay,sure ako kinikilig na naman 'to.




"K-kasi pinansin ako ni Marc!Oh My Geeh!!Amethyst!!!Humiram siya ng ballpen sakin tapos--tapos kinindatan niya ako!!Kyaahhh!"pinisil niya ang kamay ko kaya napa"aray" ako.



"Hehehe sorry"tinanggal niya ang kamay niya sa kamay ko at nagpeace sign.





"Oo na Shai,ikaw na ang may lovelife.But please,kahit ngayon lang.Pwedeng pakainin mo naman ako ng lunch?Because I'm so hungry and this hungriness makes me want to eat anything"ngumuso siya at tumango.




"Oh ayan na.Pwede ka ng maglunch.San ka ba maglalunch?Para sama ako hehe"




"Hindi ko alam.San nga ba?"wala akong maisip bukod sa cafeteria ulit eh.I'm not into fastfoods kasi.



"Sa greenwich!Dun nalang"pero may ibang fastfoods na pinupuntuhan ko at nasasarapan din ako sa mga pagkain nila.




"Go!"nakangiti kong sabi at lumabas na kami ng campus para pumara ng tricy.

----

Pagkapasok na pagkapasok namin nakaramdam agad ako ng lamig na dulot ng aircon.Grabe,ang lamig naman.



"Ikaw na mag-order Amethyst and I'll be the one who'll find our seats.Oha!Ingles na yan.Basta lasagna nalang sakin at choco pearl cooler"tumango ako at nginitian siya.Nakipila na ako ngayon at sunod na pala akong mag-oorder.




"Ate,two lasagna and two choco pearl coolers.At Hawaiian pizza na solo size na din pala"binigay ko na yung bayad at kinuha yung number tsaka hinanap si Shainelle.




Nakita ko si Shai sa parteng medyo malayo sa cashier na nakangiti habang hawak ang phone.



Umupo ako sa upuan sa harapan niya at mas lalo siyang ngumiti habang hawak hawak ang kanyang phone.




"Hello.Earth to Shai?"sabi ko ng nakataas ang isang kilay.Aba.Sino kaya ang katextmate ng gaga at kung makangiti parang mapupunit na ang labi niya sa sobrang wide talaga nito..






Kanina ko pa siya kinakausap pero hindi parin niya ako napapansin.Ayun,nakangiti parin siya sa phone niya.Ano ba kasing ginagawa niya!Naglalaro ba siya ng color switch o zigzag?





"Onting onti nalang talaga Shainelle sasabog nako"naiinis kong sambit at hindi parin niya ako napapansin.Potanginerns naman oh!Nakakaasar!




*pak*



"Ouch naman Amethyst"reklamo niya at ngumuso.



Tinatanong niyo kung anong ginawa ko?Edi kinotongan ko.Kabwiset eh.


"Ano bang ginagawa mo sa phone mo at kung makangiti ka wagas?"bigla na naman siyang napangiti at umiling.




"Wala"binalik niya ulit ang tingin niya sa cellphone niya at nahalata kong parag kinikilig ang bruha.Siguro si...ano..si Marc ba yun?Oo yun ata yung katext niya.Wow naman.Lumelevel up ang bruha.

Trouble's Amethyst [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon