We are Trending

6 0 0
                                    

First day of school nga pala first year college palang po ako.nilipat ako ni mama sa campus kung saan nag aaral si thyrone.

Habang naglalakad ako sa campus,naririnig ko yung mga girls na pinagchichismisan ang bf,ah este pretending bf ko.

"uy alam niyo b yung nag iisang single member ng silent boys sa campus natin may girlfriend na daw!" sabi nung echoserang palaka 1

"ah si thyrone?" -palaka 2

"ah sa tahimik ng lalakeng yun nagka gf siya?eh halos yung mga teachers at mga silent boys lang ang kinakausap lang nun dito sa campus eh" palaka 3

"balita ko pa nga dito lang sa campus yung gf niya.ano kayang ginawa ng babaeng yun bt niya nabingwit si thyrone?" -palaka 1

grabe naman trending kame dito.ganun b siya kapopular!pati lovelife niya pinapakialaman.

Tapos dumating si thyrone na nakayuko.tinanong ko yung katabi kong girl,

"lagi bang nakayuko yang lalaking yan pag pumapasok sa school?"

"oo di pa nga namin nakitang dumiretso ulo niyan pag naglalakad eh."

"ah ok"

tapos papalapit samin si thyrone tsaka niya ko hinatak at hinawakan ang kamay ko.

"wag mo silang papansinin sa mga sinasabi nila ha"

"ah sige,pero pinagtitinginan na nila tayo oh."

"hayaan mo sila,hahatid lang kita dun sa room niyo"

"bakit mo to ginagawa?"

hindi siya nagsalita hanggang sa andun na kami sa harap ng room ko.tapos dun siya nagsalita

"ginagawa ko to dahil girlfriend kita" napatulala nalang ako tapos may kasunod pa siyang sinabi pero di ko narinig.

*THYRONE'S POV*

tinanong ako ni lian kung bakit ko to ginagawa sabi ko,

"ginagawa ko to dahil girlfriend kita" tapos may binulong pa ako

"at dahil mahal kita" pero hindi ko lang alam kung narinig niya ako.

Pretending that i love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon