Kinabukasan pagkatapos bumuhos ang napaka lakas na ulan ay di ako nakapasok dahil nilagnat ako sa ulan kahapon dahil wala kaming payong ni Nikko nung tumakbo kami papunta sa plaza.
Ring Ring Ring.... tunog ng cellphone
"Hello?" tanong ko sa kausap ko na di ko kilala.
"Hello Alexi, si Nikko to bakit di ka pumasok?" nagaalalang pagkasabi nya
"Kaya di ako nakapasok dahil nilalagnat ako dahil sa ulan kahapon....uhuuh.." inuubo kong sagot.
"Sorry kung nagkasakit ka ng dahl sakin, sabi ko kasi sayo na wag mo na ako tulungan sa project ko eh yan tuloy nagka sakit ka" nagaalala nyang sagot.
Magsusulat na sana ako ng nangyayari sakin sa Black Notebook ko...... Pagkatingin ko sa bag ko....
"Wuaaaahhh!!!! Nawawala ang Black Notebook ko!!!!" bigla naman pumasaok ng kwarto ang bestfriend ko si Abigail.Pagbumibisita sya sakin hindi sya nagpapaalam pag papasok sya.
"Alexi, anong pinagsisisigaw mo jan ha.... ano nangyayari?!"
"Nawawala ung Black Notebook ko naiwan ko ata sa upuan ko."
"Yun lang naman pala eh, e bakit sobra ka naman makahanap sa notebook mo niyan ha?"
"Kasi may secret na nakasulat dun wala dapat makakaalam nun kundi tayong dalawa lang."
"Yun pala ung notebook na sinasabi mo na lahat ng nakasulat ay tungkol kay Nikko,teka pumasok ba si Nikko ngayon baka nakita na nya? Dali tawagan mo baka nakita nya na ung Notebook mo!!!"
Ngayon di rin pumasok si Abigail kasi si tamarin sya di tulad ko napakasipag dahil may nagisang inspiration ako kaso ngayon may lagnat ako kaya di ako nakapasok.
BINABASA MO ANG
The Black Notebook
Short StoryIsang Notebook na nakapag pabago ng buhay ko at sa buhay ng kuwentong ito lahat pwedeng maging magulo o magiging maayos...Bago ka makapunta sa taong mahal mo kailangan mo dumaan sa butas ng karayum para makapiling sya depende kung aatras ka.... plea...