ASKA - 7

26.1K 428 58
                                    

Chapter 7

 

[ Bakit? ]

Magda-dalawang araw narin ang nakalilipas nang mangyari ang insidente. Buti na lamang at naagapan, buti nalang may magandang loob na tumulong kay Poy at tumawag agad ng ambulansya pati narin Otoridad kung hindi baka hindi na namin naabutang buhay si Poy. Ayon sa mga nakakita, pinilit iwasan ni Seth ang babaeng tumawid, pero nang dahil doon hindi nya naiwasan ang kasalubong nyang truck. Sariwa pa sa ala-ala ko ang kaganapan ng gabing iyon. Nung gabing akala ko gugunaw na ang mundo ko.

Flashback

“ Calling the attention of Dr. Cruz, please proceed to the Emergency room. Calling the attention…..”

mabilis akong nakarating sa Ospital kung saan sinabi ng mga Police na dinala si Poy. Nung mga panahong hindi ko na macontact si Poy, nakatanggap ako ng tawag na galing sa mga Otoridad. Doon na ako hindi napakali at tinawagan sina Mama, ngunit hindi sila sumasagot. Malalim na rin ang gabi marahil nagpapahinga na sila. Minabuti kong tawagan sina Bessy agad naman itong sumagot at sinabing papunta na raw. Tinawagan ko rin sina Kuya Led pati na si Kuya Third.

Pagkarating ko, kitang-kita ko pa ang mga mga Nurses na kalalabas lamang sa ER. May mga bahid pa ng dugo ang kanilang puting uniporme. Doon ako mas naging emosyonal. Maya-maya pa ay dumating na Si Kuya Led kasama si Dad.  Agad nila akong nilapitan, nakita ko ring paparating si Bessy kasama si Jigs. Niyakap ko sya agad at doon hindi na napigilang umiyak ng umiyak.

“ What happened Bessy? Shhh, everything will be alright.” Nag-aalalang sambit ni Charlie.

Hanggang sa  lumapit ang kanina’y nasa Information Desk na mga Pulis, sinabi nila ang lahat ng pangayayri. Matindi raw ang naging pagbangga ng kotse ni Seth sa kasalubong na sasakyan. Maski kasi ang unahan ng kotse nya ay piyaot at basag ang salamin nito. Ang mas pinakamamalala pa ay hindi sya nakasuot ng seatbelt ng panahon na yoon. Alam namin simula pa dati, hindi ugali ni Seth na magseatbelt kaya naman yoon ang naging dahilan kung bakit mas lumakas ang impact ng pagkakadamage ng head part nya.

Ilang saglit lang matapos naming malaman ang mga detalye ay sya namang labas ng Doctor sa ER.

“ Sino po ang pamilya ng pasyente?” tanong ng Doctor.

Nagkatinginan muna kami ni Dad at tila ba sinabi nya na, “ Sige iha, lumapit ka na.” Nasa tabi lang ako ni Dad habang hawak-hawak nya ang balikat ko. Halata rin sa kanila ang pag-aalala.

“ A..ko po ang a..sa-wa.” Mautal-utal kong sabi dahil sa hindi ko mapigilang pagiyak.

“ Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, matindi ang naging pinsala na natamo ng pasyente. He’s in a comma right now.  Medyo critical ang lagay nya, buti na nga lamang at mabilis syang nadala rito kung hindi ay baka mas marami pang dugo ang nawala sa kanya. May mga nakita rin  kaming Fractures sa katawan nya kaya naman we’ll conduct more test para mas masure natin ang kaligtasan nya. Ang mabuti nalang siguro nating gawin sa ngayon ay ipagdasal sya para sa mabilisang paggaling nya……” marami pang sinabi yung Doctor pero hindi ko na kaya pang pakinggan ang lahat, mas lalo lang akong nasasaktan.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon