Chapter 1

40 6 4
                                    

Kung literal kayang pasan mo ang buong mundo.. Sa palagay mo ba ay kakayanin mo pang bumangon at tumayo mula sa pagkakalugmok?

Siguro ang iba sa inyo ay sasabihing HINDI at ang iba naman ay OO.

Kung ako naman ang tatanungin? Ang sagot ko ay OO... Kakayanin mo ito kung ang mga nasa mundo ring ito mismo ang mag aabot ng kanilang kamay para tumulong sayo upang muling makabangon, makatayo at makaalis mula sa pagkakaipit mo sa mund0ng pasan mo.

Ngunit mer0n pa kayang mag aabalang tumul0ng kung halos lahat ng nasa mundong ito ay nagpapasan rin at abala sa mga bagay na makamundo? Huwag m0ng asahan na lahat ng ta0ng narito ay handa kang tulungan... Dahil marami sa mga ito ay mas gugustuhin ka pang ITULAK, APAKAN at IBAON pang lalo sa mund0ng pinapasan m0!

Narito ako ngay0n sa gilid ng hi-way at kasalukuyang binabagtas ang daan pauwi sa bahay namin.

Nanggaling pa ako mula sa aking pinapasukang eskwelahan.. Naka uniporme, bitbit ang bag at mga libro at nakatsinelas nalang.

May sapatos naman ako pero pinakaiingat ingatan ko ito sapagkat sa oras na masira ito ay wala naman akong agarang pamalit kaya naman sa tuwing papasok ako ay binabaon ko ang tsinelas kong pambahay. Isinusuot ko lang ang sapatos ko kapag nasa tapat na ko ng gate ng aming eskwelahan gayundin sa tuwing uwian ay hinuhubad ko ito at papalitan muli ng tsinelas gaya nalamang ngayon. Wais noh??XD

Habang naglalakad ako ay marami akong nakakasalubong na iba't ibang klase ng tao dito sa mundo. Mayroong magagara kung manamit, mayroon din namang simple lang at mayroon ding mala basahan na sa dumi at punit punit pa.

Minsan nga kapag naiisip ko, bakit kaya ganitong buhay ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos? Marami namang mga tao dito sa mundo ang masasama ang ugali, mga ganid, mamamatay ng kapwa tao at walang puso ang dapat na naghihirap at pinarurusahan. Pero sa halip, kabaligtaran nito ang nangyayari sa mundong ito.

Ngunit minsan ay sumasagi rin sa isipan ko na hindi naman gagawa ang Diyos ng ikasasakit ng kanyang mga nilikha bagkus ay may plano ang Diyos para sa bawat isa.

Kapag nga naaawa ako sa sarili ko, iniisip ko nalang na mas mapalad parin ako sa mga taong nakikita ko na sa mga bangketa nalang natutulog at namamalimos nalang sa ibang tao para lang maitawid ang buhay nila sa araw araw. Sa ganung paraan ay muli akong nagkakaroon ng lakas ng loob upang harapin ang hamon ng buhay.

UNTITLED (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon