CHAPTER 3

23 5 1
                                    

CHAPTER 3

KAMILA'S POV

Nandito ako ngay0n malapit sa school namin at kasalukuyang nagbebenta ng mga porselas (bracelet) na ginawa ko. Hindi naman sa pagyayabang pero magaganda talaga ang mga gawa kong porselas.XD

Lumalapit din ako sa mga naka de kotseng sasakyan para alukin ng mga paninda ko. May mga bumibili rin naman pero yung iba deadma lang. Well, that's life!XD

Nagkulay pula ang traffic lights kaya naman nakahinto ang mga sasakyan, kaya naman sinamantala ko ito para kumatok sa mga bintana ng mga sasakyan at pagbentahan ang sakay nito.

"Ma'am bili na po kayo ng porselas, mas mura po sakin kumpara sa mga mall."^_^

"Patingin nga.." -customer

Ipinakita ko naman sa kanya ang mga gawa kong porselas at mukhang nagandahan naman ito..

"Iyan po. Bagay na bagay po sa inyo. Maganda po kasi ang kutis nyo at maganda ang mga kamay. Tsaka hindi po yan madaling maputol na tulad ng iba."^_^ -Kamila

Sales talk ko pa!XD Hawak kasi nito ang isang kulay agua marine blue na bracelet.

"Sige. Kukunin ko tong tatlo. Magkano lahat?" -Customer

"105 lang po ma'am. Ito po oh." -Kamila

"Eto bayad." -Customer

"Maraming salamat po. Ingat po sa byahe. Gobless!"^_^ -Kamila

Yes! Nakabenta nanaman aketch!XD nag green na ang traffic lights kaya tumabi muna ulit ako sa gilid ng kalsada at doon nagbenta. Aantayin ko ulit na mag pula ang traffic lights para makapagbenta ulit ako sa mga sasakyan.^_^

Hindi naman nagtagal ay muling nag red ang traffic lights. Dali dali akong nag alok sa mga sasakyan. Na-spot-an ko ang isang napaka garang sasakyan kaya naman agad ko itong nilapitan.

Kinatok ko ang tinted nitong bintana.. Ang tagal magbukas kaya kinatok ko ulit... Unti unti na itong bumaba at nakikita ko na ang sakay nito sa loob. Isang mestisong lalaki na naka eyeglass, naka longsleeves na may kurbata (necktie) pa.

Namesmerized ako kaya napatitig ako ng ilang segundo sa kanya...

"Hey! An0 bang problema mo at parang babasagin mo ang window shield ng kotse ko?"

"Ah.. eh.. Manong pasensya na po. Baka lang naman gusto mong bumili ng porselas??" -Kamila

"What?"

"Po?" -Kamila

"What did you just call me?"

"Manong?" T^T -Kamila

Ooppss.. May mali ba sa sinabi ko?!T^T

"Mukha na ba kong MANONG? Are you blind?"

"Ah.. eh.. Manong, este Sir baka po gusto mong bumili ng bracelet? Para sa girlfriend mo?!" -Kamila

Pag iiba ko ng usapan. May mali ba sa pagtawag ko ng man0ng? Eh sa sungit ng mukha nya eh mukha naman na talaga syang man0ng.XD

"Wala akong girlfriend!"

Bigla nang nag red ang traffic lights kaya naman yung kamay kong may hawak na porselas sa loob ng bintana ng kotse ay nabitawan ko dahil bigla nang umabante ang sasakyan nito at nalaglag sa loob ng sasakyan...

"HOY YUNG PORSELAS KO IBALIK MO!" -Kamila

Huhuhu.. Sayang din yung isang porselas na yun.. Lang ya yung lalaking yun. Wag lang syang makabalik balik dito kundi humanda sya sakin! \\T_T//

UNTITLED (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon