STOPPING POINT 1

52 1 0
                                    

STOPPING POINT 1

"Puwaaaaaaaaa~" paghihikab ni Shawn, kalagitnaan ng klase.

"Mr. McWorthy, matutulog kalang ba sa klase ko? Pupwedeng kang lumabas kung gusto mo." pagsaway ni Ms. Jane sa kanya. Ang hot nilang Chemistry teacher.

Hindi na lamang pinansin ni Shawn ang pananaway ng guro, pinagpatuloy lang niya ang kanyang pagtulog.

*kriiinggg*

Parang mga nakawala sa kural na nagsilabasan ang mga estudyante sa kanilang mga rooms, lunch break na ng kanilang campus. "Taraaaa! Gutom na 'kooo~" pagaaya ni Steven sa mga kabarkada niya.

Nagsilabasan sila pero nagpaiwan si Katherine, "Teka lang guys...may dadaanan lang ako sa locker," wika nito.

Tumango na lang ang magkakaibigan at pumunta si Katherine sa locker.

"Well, well, well, what do we have here?" rinig niyang wika ng isang babae, nabuo ng takot si Katherine ngunit ipinirmi niya ang kanyang pagkakalmado. Isa-isa niyang nilagay ang mga gamit sa kanyang locker pero halatang baling na baling ang kanyang atensyon sa babaeng nagsalita, "Hindi mo ba ako papansinin, Katherine?" dagdag pa nito.

Dahan-dahan tumingin si Katherine sa direksyon ng babae, may kasama pa itong dalawang babae na tila mo'y pinuno nila ang kumakausap kay Katherine. Ito ang mga nangbubully sa kanya. "B-Bakit?" tanong ni Katherine at isinara ang locker.

"May mahirap kasi kaming assignment, ikaw nalang gumawa. Taga-gawa ka naman diba?" pagtataray ng babae sabay hagis ng mga libro at notebooks kay Katherine, "Pagkatapos ng lunch break, ibigay mo sakin. Next period namin eh," lumapit ito sa kanya at kinuha ang collar ng damit ni Katherine, "Naiintindihan mo ba?" tanong nito sa kanya habang nanlilisik ang mata.

Mas nabalot ng takot si Katherine. Ang babaeng ito ay si Sheena, ang dating matalik niyang kaibigan. Dati, sila ang magkakasama. Nagbago lahat ng 'yon nang mapunta si Sheena sa California, tila'y nakalimutan nila ang pagsasamahan nito at nagiba ang pakikitungo sa iba.

Umalis na si Sheena at ang mga kasama nito, naiwang naghahapit ng hininga si Katherine sa tapat ng locker niya, "Hah...hah...hah..." malakas na paghabol niya sa hininga. Kinuha nito ang inhaler at pumunta sa cafeteria dala-dala ang ang mga libro at notebooks na kanina'y hinagis ni Sheena. Andon, masayang-masaya na nagiintay ang kanyang mga tunay na kaibigan, "Tagal mo ata?" tanong ni Shawn. "For sure, she bullied Katherine na naman. Oh my gee, I'll sabunot here maganit na hair talaga!" nanggagalaiting wika ni Bianca.

"Pupuntahan ka na sana ni Raniel, kaso biglang dumating na 'yang si Sheena na 'yan." dugtong ni Shawn.

"Kanino 'yang mga libro na 'yan? Pinapagawa kana naman, tsk!" inis na inis na wika ni Raniel, "Walanjo pre, akin na 'yan." bigla nalang kinuha ni Steven ang mga libro at notebooks at tsaka hinagis, napansin naman 'to ni Sheena na kanina pa sila tinitignan, "What the f---! Steven?!" galit na galit na lumapit si Sheena kay Steven. "Hey b-tch, now who's you're talking to." sabat ni Bianca.

"Ako pa ngayon ang b-tch?! F---! Bakit mo hinagis 'yung libro ko?!"

Inilapit naman ni Steven ang mukha na sa nagaalborotong babae sa harapan niya, "Buti nga eh, hindi ikaw ang hinagis ko." sagot ni Steven. Natakot naman ng husto si Sheena at umalis, "Kunin niyo 'yan." utos niya sa mga babaeng kasama niya.

"That b-tch," 'yan na lamang ang nasabi ni Bianca at tsaka kumain ng baon niya.

Hindi naman makakibo si Katherine, nagorder nalang siya ng pagkain.

Sa table ng magkakaibigan, "Bakit wala ka ata kahapon BIanca?" tanong ni Raniel.

"As usual," bored na bored na sagot ni Bianca habang may kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone.

"Tsk, magkakasakit ka na niyan eh." matawa-tawang sabi ni Shawn.

Ang ibig sabihin kasi ni Bianca dito ay nakipag-talik na naman siya sa isang bayarang lalaki. Ginagawa niya ito kapag may problema siya kaya napaisip na naman ang magkakabarkadang lalaki, "May nangyari ba?" tanong ni Steven sa kanya.

"Hayyy...I'm tired of sh-ts, mas gugustuhin ko pang magbayad ng mga lalaki habang-buhay kesa tumira sa kanila. Impyerno, tsk." kontrolado kasi ang bawat galaw ni Bianca. Dahil nga may kumpanya sila at pinakaiingat-ingatan ang kanilang pangalan, nagsisinungaling lagi si Bianca kung anu-ano ang kanyang pinaggagagawa. "Nag-Tagalog ah!" pabirong wika ni Raniel.

"Aray..." pabalik na sana si Katherine nang may nabunggo siya. Natapon lahat ng pagkain na kanyang binili at napatingin sa lalaki.

Kung titignan mo 'to, itim lang ang kanyang suot. Nasa mga 30-40 ang edad at may katangkaran. "Pasensya na," paghingi nito ng tawad kay Katherine. Tumayo naman ang dalaga at kumaripas ng takbo ang misteryosong lalaki. "Paano nakapasok 'yun?" tanong ni Katherine sa sarili.

"Oh my, are you okay?!" nilapitan siya ni Bianca at tumango nalang si Katherine. "Kuya, paki-clean naman dito." utos niya sa janitor.

Bumalik sila sa pagkakaupo, "Paano nakapasok 'yun?" tanong ni Shawn na tila nabasa ang isip ni Katherine. Nagkibit balikat silang lahat, "Baka lalaki ni Bianca." biro ni Steven. "F--- you," matawa-tawang sagot ni Bianca.

-xxx-

This chapter is written by: Ms. PK

WRONG TURN: Forbidden Camp SiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon