STOPPING POINT 2
*KRINGGGGGGGGGGG*
Nag-bell na kaya tapos na ang Lunch Break nila.
Isa-isang tumayo ang magkaka-barkada at naglakad papuntang Classroom.
"Guys, napaisip ako.. diba, bawal magpa-pasok dito sa campus ng kung sino-sino?" Pagtatakang tanong ni Shawn habang naglalakad. Napaisip din ang barkada.
"Oo nga. Tsaka kung officer man yun dito, pinapakilala lagi." Sagot naman ni Raniel.
"OEMMMGY! Baka stalker ko? LIKE Y-U-C-K!!" Pagiinarte ni Bianca. Binatukan naman siya ni Shawn.
"Arawchhh! Para saan yun? It hurtssss you know? Huhuhu! Raniel ohhh!" Sabi ni Bianca habang naka-kapit sa braso ni Raniel at hinihimas ang ulo. Pano ba naman e, binatukan ni Shawn.
"Ang arte mo Bianca! Stalker agad-agad? TATANG na yun uy!" Pag-sabat ni Steven. Binelatan lang sila ni Bianca at humiwalay na siya sa pagkaka-kapit sa braso ni Raniel.
"Katherine, kanina ka pa tahimik ah. Pati ikaw Raniel." Sabi ni Shawn na nakatingin parin sa dinadaanan nila.
"Ahh.. wala. Iniisip ko lang yung report ko mamaya." Sabi ni Raniel at binaling ang atensyon sa kanyang cellphone.
"Ikaw Katherine?" Humarap na si Shawn kay Katerine, dahil hindi ito nasagot.
"Katherine." Tinawag niya ulit. Pero, hindi padin siya pinapansin nito. Nakatulala padin si Katherine sa kawalan.
"Katherine!!!!!!" Sumigaw na si Shawn kaya napatigil ang barkada at tumingin kay Shawn na nagtataka.
Nag-peace sign lang siya at nag-smile.
"Aray! Masakit yun Shawn! Pwede mo naman akong kalabitin o tawagin ng maayos ah!" Naiiritang sabi ni Katherine. Sigawan ka ba naman sa tenga e.
"Tawagin ng maayos ka dyan? E, hindi ka nga namamansin. Kailangan pang sigawan. Haha." Pagtawa ni Shawn. Natawa din ang barkada. Napa-nguso nalang si Katherine.
"Wag ka ngang ngumuso. Ang pangit mo! HAHAHA" Pang-aasar ni Raniel sa kanya. Sus. Nagpapapansin lang yang si Raniel ee.
"AS IF!" Sabi ni Katherine sabay irap kay Raniel. Natawa nalang si Raniel.
"EP!! Katherine, ano ba iniisip mo? Bakit ang lalim ata?" Pagtatanong ni Steven.
"Yahhh.. you're like that simula kanina when you and the old man bump. Hihi." Sabi ni Bianca.
"E, kasi naman, nakakatakot yung lalaki. Mmmm.. black pa suot niya tapos, yung mukha niya, nakita ko yung half ee. May marka na sugat.. pa-ekis ee. Para ngang sariwa pa." Wika nito.
"YUCKKIIEE! May sugat? Like ewwww? Ughh! Kadirdirrrr!" Pagiinarte nanaman ni Bianca.
"Bianca, isa pa. Babatukan uli kita!" Sabi ni Shawn sa kanya pero, bnelatan lang siya nito. Simula kasi nung bata pa sila, ganito na si Bianca, e, naiirita na si Shawn.
"Back to Katherine. Seryoso? Grabe naman." Sabi ni Steven.
"Ee, sinadya ata nun na banggain ka ee! Ang dami kayang space. Este, ang lawak kaya tapos, ikaw pa mababangga? Tsaka, teka.. ano yang nakadikit sa uniform mo?" Sabi ni Raniel. May napansin siyang papel na maliit na nakadikit sa uniform ni Katherine kaya kinuha niya ito.
Binasa niya.
"Teka, pangalan ito ng isang camp site. Saaa.. uhm.. ano to? Ahh! San Isidro! Yown! Alam ko to guys!" Nakangiting wagas ngayon si Raniel. Kinuha naman ito ni Steven.
"Ang alam ko, bawal na ditong pumunta ah.."
"Oo nga."
"Ahhh.. guys. Male-late na po tayo sa next period natin. Hayaan niyo na yan! Tara naaaa!" Pagyayaya ni Katherine. Sabi ko sa inyo ee, pagdating sa barkada, hindi yan mahiyain ^_^
BINABASA MO ANG
WRONG TURN: Forbidden Camp Site
Teen FictionLimang magkakaibigan na may iba't-ibang klase ng ugali. Masaya silang nabubuhay at ginagasta ang bawat sandali ng buhay bilang isang teenager. Ngunit isang araw, nagiba ang kanilang kapalaran. Nang dahil sa...Forbidden Camp Site. Sasama ka ba sa kan...