Pahiram ng Girlfriend

30 1 1
                                    

Prologue

"Income generating projects. I need ideas, come one people!" Sigaw ni Cheryl, ang aming class president. Monthly officers' meeting namin ngayong araw at ayon sa aming class treasurer, nauubos na raw ang pondo ng room namin dahil labas lang nang labas ng pera dahil sa activities at kelangan namin ng IGP para ma-balance ang paglabas at pagpasok ng pera.

"Magbenta tayo ng snacks?" Suggest ni Peace Officer Joanne. "Like, yung mga chichiria, or biscuits, ganun."

Sinulat ni Ann yung suggestion na yun sa board. "More ideas, please?" Tanong ni Che. Marami pang naging ibang suggestion tulad ng photobooth, photocopy, may film-viewing pa pero masyadong usual na yun. Kung photobooth at photocopy, wala kaming pondo para sa equipment. Kung film-viewing naman, bakit pa mag-aabala yung mga estudyante at gagastos ng P10 kung pwede namang mag-download ng movies sa internet?

"Wala na bang iba? Stormy? May naiisip ka ba?" Muntik na akong malaglag sa upuan ko nang tawagin ni Che ang pangalan ko.

"Ako? May naiisip ba ako?" Tumingala ako. At singbilis ng kidlat, ZING! "Meron!"

"Talaga? Ano yun?"

"Magbenta tayo ng girlfriend!"

Gusto mo ba ng makakasama?

Yung sexy, chicks at maganda?

O yung makakausap mo lang at mapagsasabihan ng problema.

Punta ka na sa room 143 ng Cupid Building at hanapin si Stormy Santiago.

See you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pahiram ng GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon