ONE SHOT

24 2 0
                                    

I was going to my class ng bigla nalang may bumangga sa'kin. Sino ba 'to?

"Sorry! Sinasadya" Aba't! Ang tigas talaga ng mukha nitong lalaking 'to.

"Hoy lalaking mukhang pinya yung buhok, kulang ka ba sa pansin ha? Ayan na, napansin na kita kaya alis! Dadaan ako" Panira talaga ng araw.

"You're hurting my feeling Yanaloves, kala ko ba forever tayo?"

"Ew ha? May HD kaba sa'kin? Sorry di ako pumapatol sa bakla. At walang forever!" Paalis na ko, ng bigla niyang hablutin 'yung braso ko sabay lapit ng mukha sa'kin.

"Ang gwapo ko namang bakla don't you think so? And may forever Yana, want me to prove you?" He smirked, sabay talikod sa'kin.

May palapit lapit pa ng mukha kala mo naman ang gwapo niya lul puro siya pimples. Joke, gwapo naman talaga yung pineapple head na 'yun di ko lang aaminin sakanya dahil baka magiba tong campus sa sobrang kahanginan niya sa katawan. Forever? Psh. Nagpatuloy nalang akong maglakad and pumasok sa klase ko. Mga tao kasi dito pinagtitinginan na naman ako, porket nakausap ko 'yung "Mighty Klaus Andrade" nila.

"Heard you've talk to Klaus before going here?" Ang bilis talaga ng balita dito.

"I didn't Anne, binangga niya ko! Then nagpapansin na naman. Kainis! Saka nang-aasar kaba? You know naman how I hate that guy tapos ganyan pa yung tanong mo! Argh" Kwento ko sa bestfriend ko while remembering the scene a while ago.

"Chill Yana! I'm just askin' a question. Highblood mo masyado" Hindi ko nalang siya sinagot dahil dumating na rin yung prof, and wala rin naman kwenta yung pinagtatalunan namin.

Time went fast and hindi ko namalayan na lunch break na pala and may vacant pa ko ng 1 hour. Pumunta na kami ni Anne sa cafeteria and bumili ng pagkain. After that naupo na rin kami and ate our food.

"Ehem, mind if we share a table with you ladies?" What the.. wala ba talaga tong balak tigilan ako?

"Oh sure, sure! Feel free" Anne answered immediately, so I looked at her with the -bakit-ka-pumayag- look. She just shrugged then naramdaman ko na umupo na sa tabi ko 'yung pinya. Hindi ko nalang siya pinansin saka pinagpatuloy na yung pagkain ko, masisira lang appetite ko kung papansinin ko pa tong unggoy na to. Kumain lang kami habang si Anne naman mukhang nag-eenjoy kausap yung mga 'hottie' daw ng campus. Wow! Buti pa siya nag-eenjoy, samantalang ako may katabing unggoy at naiinis sa ngiti niyang parang may balak gawin. Argh!

"May gagawin ka after class?" Bigla namang tanong niya.

"Why?"

"Ting! Ako naunang magtanong" Aba't!

"Yes, sobrang dami kong gagawin. At wala kong oras sa mga pinya't unggoy" Tumingin ako sa iba naming kasama sa table kung nakikinig sila but I guess masyado din silang engross sa pinag-uusapan nila. Better.

Napailing naman siya sa sagot ko sabay sabing "Okay, hintayin kita after ng class mo, 3pm last class mo diba? Wag kang mag-inarte dyan, may kailangan lang akong sabihin"

"Kung pagtritripan mo lang ako, come on, Klaus you're too old para mang-trip o kung ano pang mga pang-isip bata na pinagagawa mo. Grow up!" I said, but he just smiled with amusement written all over his face at hindi mo makikitaan ng kahit anong expression na nagpapakitang offended siya sa mga sinabi ko.

"No. Kahit kelan hindi kita pinagtripan Yana" He answered back na sobrang seryoso yung mukha niya, sinong niloko niya? Anong tawag niya sa tatlong taon na hindi niya ko tinigilan asarin at pikunin? Jerk.

"Oh just tell it to someone na magpapauto sa'yo"

"Right. Kaya wag kang magpapauto sa'kin agad ha? After class, don't forget" Umalis na din siya pagkatapos niya sabihin yon. And saka naman pumasok sa utak ko yung sinabi niya. Wtf? Mas pipiliin ko pang magutom kesa magpauto sakanya.

**
Wala naman ng masyadong nangyari after that ang nasa isip ko lang ngayon is yung oras which is 2:58pm and onti nalang makikita ko na yung unggoy. I don't wanna spend any of my precious time with him kaya nag-iisip ako ng way out para di niya ko makita. Hm. Medyo malayo siya sa kabilang pintuan, and if you're wondering why, kita kasi siya sa bintana ano ba kayo. Maybe I should just walk really fast sa kabilang pintuan para hindi niya masyadong mapansin. Tama! Good thing dalawa pintuan nung room.

Nang nakita kong palabas na yung mga classmate ko na nagkukumupalan sa kabilang pintuan dahil nandon 'yung the famous 'Klaus Andrade' sinamantala ko na yun para lumabas ng hindi napapansin. Nakita kong, tumingin siya sa'kin at nagkatinginan kami sabay takbo ko ng mabilis. Narinig ko pang tinatawag ako ni Anne pero wala na 'kong pake! Kailngan maiwala ko siya! You can do it Yana! Takbo lang! Run for your life! Habang tumatagal nararamdaman ko na napapagod na ko kaya naman tumingin ako sa likuran ko at wrong move 'yun dahil di ko napansin yung bato at madadapa ako! Ayan na! Magiging first kiss ko pa yata yung lupa! I closed my eyes and hinintay yung masakit na impact sa mukha ko but to my surprise wala akong naramdaman.

"Open your eyes, stupid" Binuksan ko agad yung mata ko ng marinig ko yung boses ng unggoy saka napansin na kaya pala hindi ako tuluyang nadapa dahil yakap niya ko sa bewang. Chansing! Tinanggal ko agad yung kamay niya sa'kin and inayos yung tayo ko. Tatalikod na sana ko sakanya ng bigla naman niyana hablutin 'yung braso ko na nagpatigil sa'kin. I looked at him and waited for him to talk but to my dismay he just stared at me with the expression that I couldn't fathom.

He smiled. 'Yung ngiting hindi pang-asar, YUNG TOTOONG NGITI NA KAHIT KAILAN HINDI KO NAKIKITA! Ngumiti pa siya lalo ng makita niya na 'yung reaction ko and that gives me another 'boom' sound effect all over my mind. Masisi niyo ba 'ko? Sa tatlong na taon na pang-bubully nito sa'kin ngayon niya lang ako nginitian ng ganito.

"Look Yana, this is not the sweetest confession you'll ever heard but wala na 'kong pake, basta makinig ka lang. I like you Yana. Hindi ko alam kung kelan o pano nagsimula pero ginulo mo 'yung isip ko at kahit saan ikaw lang yung nakikita ko. Heck! Akala ko gusto lang kitang makita dahil wala kong magpagtripan o di naman nasanay lang akong nandyan ka, pero baka nga tama sila, may gusto na yata talaga ko sayo"

"Lulong kaba?" Hindi ko alam kung anong istura ko pero parang ang hirap i-digest ng sinasabi niya. Shiz! Baka pinagtritripan lang ako nito! Saka sorry na sa word hindi ko talaga alam 'yung tamang sasabihin sa mga ganitong scene! Kayo kaya! Umaamin sa inyo yung mortal enemy niyo!

"Alam kong mukha 'kong tanga sa mga sinasabi ko sa'yo ngayon pero wala e, pakiramdam ko pag di ko pa to nasabi sa'yo sasabog na lang ako dahil sa mga pakiramdam na 'to. Pakshet, hindi ko kelan inisip na magkakagusto sa'yo o asarin ka sa loob ng tatlong taon para lang mapansin mo. Alam kong sobrang hindi nakakapaniwala 'yung sinasabi ko kasi, ako to. Si Klaus na lagi kang iniinis at inaasar pero maniwala ka Yana when I said I like you, I mean it." Ba't siya ganito? Bakit feeling ko seryoso siya! Nako. Yana wake up si KLAUS ANDRADE yan pinagtritripan ka lang n'yan.

"Walang namang forever, kaya tigilan mo 'ko" Sinabi ko sakanya habang nakatingin lang kami sa isa't isa, kahit ayoko parang may something kasi na hindi ko maialis yung tingin ko sakanya. Hindi ko na alam yung nararamdam ko fudge mukha kasi talaga siyang seryoso.

"Kahit nasa gitna pa tayo ng daan at wala talagang kakiligkilig dito. Let me ask you Eliana Faye Cabral, pwede ba kitang ligawan? No, scratch that. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." And with that, all doubts I have faded in an instant. I really wanted to believe everything he just said, pwede na ba 'kong maniwala sa'yo Klaus?

He held my face and pinch my cheeks softly. He smiled, "3 years ago you caught me with your smile and years of waiting is enough for me to be sure of what feelings I have for you. I don't want to see you slipping away from me."

Tumawa siya ng parang may naalala at pinagpatuloy ang sinasabi..

"Let me in, I'll prove to you that forever exists."

-------END-------

I wrote this year 2015, kaya sorry if u find it lame HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH thanks for reading btw!! Gbü

May Forever, Wag Kang Bitter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon