Chapter 1

40 2 0
                                    

"Ma'am! Wait lang po, baka pwedeng gawan ng paraan yung schedule namin ni Mina? Kailangan po kasi talaga naming grumaduate ng maaga." Pagmamakaawa ko sa Secretary ng college namin.

"Oo nga po ma'am, maawa naman kayo. Hinahabol po kasi namin scholarship namin." Dagdag pa ni Mina.

"Hay naku! Miss Garcia and Miss Martinez, ilang beses ko ba uulitin na hindi ako ang magdedecide? Sa College ng AS yun, kung papayag ang professor na i-move ang klase niya, pwede niyo i-add yung subject niya. Kung hindi, sorry pero wala tayong magagawa. Late talaga kayo gagraduate." Mahabang paliwanag ni Ma'am Solivano habang nakatingin sa screen ng phone niya, ni hindi man lang siya sumulyap sa amin ni Mina!

"Sige po, salamat na lang." Yun na lang nasabi ko at lumabas na kami sa office ni Ma'am.

"Bakit nagpasalamat ka pa?! Di nga tayo pinagbigyan!" Inis na tanong ni Mina sakin.

"Anong gusto mong gawin ko? Murahin ko siya at ibalibag ang pinto sa harap niya? Gusto ko din sana gawin yun kaso baka lalo tayong hindi makagraduate!" Kalmadong sagot ko habang kinukuha ang phone ko sa bag para itext si Dayle.

"Alam mo minsan, may kwenta din pala yang isip mo!" Natatawang sabi ni Mina sakin.

"Ewan ko sayo. Oh ikaw na magtext kay Dayle, tinatamad ako." Sambit ko habang inaabot sakanya ang cellphone ko.

"Ano ba yan Grand, magtetext na nga lang tamad pa!"

"Dami mo sinasabi! Text mo na lang!" Inis na sabi ko.

Nanahimik naman na siya at bumaba na kami ng Education Building.

"Grand! Mina!"

Sabay kaming napalingon ni Mina sa tumawag samin.

"Hoy Dayle! Akala ko ba nasa main library ka? Bat nandito ka nanaman sa Dentistry building?! Inaabangan mo nanaman si D---!" Hindi na nabanggit ni Mina ang pangalan ni Dave dahil agad na tinakpan ni Dayle ang bibig niya.

"Yang bunganga mo, gamitin mo sa pagkanta hindi sa pambubuking mo sakin! Tara na nga! Susunduin ko sana kayo sa building natin eh nakita ko si D-- my love, eh di sumunod ako!" Paliwanag ni Dayle sa amin.

Ilang taon niya na rin kasing pinagpapantasyahan si Dave, pero si Dave wapakels. Ni hindi niya nga alam na nageexist pala si Dayle eh.

"Hayaan mo na nga si Dayle! Eh diyan nga siya masaya ano magagawa mo? Palibhasa wala kang love life kaya bitter ka." Biro ko kay Mina.

"Wow ha! Sayo pa talaga nanggaling yang 'Palibhasa wala kang love life kaya bitter ka'. Bakit? May love life ka ba? Eh sa ating tatlo ikaw ata pinaka malas sa pag-ibig." Sagot naman niya.

"Whatever!" Yan na lang ang naisagot ko dahil totoo naman sinabi niya.

Ako nga pala si Grand Martinez, ang babaeng pinaglihi ata sa heartbreaks. Naka-dalawang ex-boyfriends na ako at pareho silang iniwan, niloko at pinagpalit ako para sa iba. Kaya after nung last na break up ko, hindi na ulit ako nagboyfriend. Saka na, kapag kaya ko ng masaktan ulit. Sa ngayon, dalawang taon na akong walang boyfriend at masaya naman ako kahit ganto lang. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na muna ako papasok sa relationships.

"Naayos niyo schedule niyo?" Tanong ni Dayle samin.

"Malamang hindi! Arte kasi ni Ma'am Solivano! Pwede niya naman ayusin yun eh, konting pacute niya lang dun sa prof, papayag naman na agad sila eh! Feeling hot chick kasi si Ma'am eh!" Biro ni Mina.

"Pareho kayo, feeling chicks." Biglang may nagsalita sa likod namin, si Kurt pala. Kaklase namin sa isang minor subject noon na naka-close ko at kalauna'y naging kaibigan na rin nila Dayle at Mina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Against DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon