Chapter18: couple room

139 13 2
                                    

Mau's pov

"Mommy!! Daddy!!" Sigaw ng babaeng bata habang umiiyak sa gitna ng kalsada. Gabing gabi na at umuulan pa.

Gusto kong lapitan at patahanin yung babaeng bata pero parang hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.

"Mooommmyyy!! Daaaaddddyyy!!!! Huhuhuhuhu!!!" Sigaw ulit ng bata.

*booogshhhhh

"Moommy!" Huling sigaw nung bata bago masagasaan ng isang kotse.

Nakita kong may bumabang isang babae at lalake mula sa sasakyan. Ilang minuto din bago dumating ang ambulansya para dalhin sa ospital ang kawawang bata.

Di ko alam kung bakit biglang may tumulong luha galing sa mga mata ko habang nakikita kong tinutulungan ang kawawang bata.


Nagising ako na sobrang sakit ng leeg ko. Napanaginipan ko nanaman yung panaginip na yun tsk. Di ko alam pero sa tuwing napapanaginipan ko yung panaginip na yun parang kinakabahan ako, para kasing may gustong sabihin yung panaginip na yun.

"Tch buti naman gising kana. Ambigat kaya ng ulo mo" sabi ng lalakeng nasa tabi ko.

Lumingon naman ako sakanya at nakita ko ang bored na mukha ni kupal.

You mean? Nakatulog ako sa balikat niya? O___O

"Kanina pa bumaba sila matt kaya bilisan mo narin bumaba" sabi ni kupal sabay baba sa sasakyan pero bago niya tuluyang isara ang pinto may pahabol pa siyang pangasar.


"Punasan mo muna yung panis na laway mo tch!" Dagdag niya at tuluyan sinara yung pintuan ng kotse.

Agad ko namang tinignan kung totoo nga yung sinasabi ni kupal. At sheems meron nga! O__O

Nakakahiya! Arghhhh!


Naabutan ko pa si kupal bago pumasok sa hotel na tutuluyan ata namin.

"Hi mau and xyvier!!!" Maligalig na sabi nila O___O


"Real king?" Gulat kong tanong at di lang sila ang nandito dahil nandito rin sila lei,jem at reen.

"Anung ginagawa niyo dito?" Tanong ni kupal.

Lumapit naman sakanya si kyle at agad siyan inakbayan na kinainis naman ni kupal. " napagpa-siyahan kasi namin na dito nalang din namin gagawin yung interview para sama sama tayon lahat."saad ni kyle.

"Isn't amazing?" Pabirong dagdag niya kaya agad naman siyang binatukan ni earl at drei.

"Guys 2 rooms nalang ang available para sa atin. At yung rooms na yun ay mayroon lang 3 beds kaya tatlo lang pwede magsama sama sa room na yun." Sabi ni demi habang papalapit sila ni matt sa amin.

"Pero may available pa naman daw na rooms pero 2 rooms nalang at yung room na yun ay couple room at kaylangang couple or girl at boy lang talaga ang magkasama dun" dagdag pa ni matt.

"Ok so sino ang magkakasama sa mga rooms?" Tanong ni lei.

" sa isang room ay kung saan ang 3 girls at sa kabilang room naman ay yung 3 lalake, so basically may 2 girls and boys na matitira sa atin na magsasama sa dalawang couple room" sabi ni demi.

"Sila nalang nila kyle,earl at matt ang magsasama sa isang room at kami nalang nila jem,lei at ako ang sa kabilang room" sabi ni demi.

"So kayo drei,reen,xyvier at mau ang magdedecide kung sino ang makakasama niyo sa couple room" dagdag ni matt.

Im his Personal Maid [on going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon