"Joke! Joke! Joke!"
"Just joking."
"Joke lang."
Ang mga katagang nagpatawa, nagpaiyak at higit sa lahat,
bumihag sa puso ko.
Bwisit lang. Hays, kung pwede lang na joke lang din ang nararamdaman ko ngayon. Eh di ayos dba? Wala nang iyakan sessions at tangahan mode. Nakakapagod. Nakakapagod, hindi magmahal kundi ang umasa at maghintay. Nakakaalog at nakakabobo ng utak. Tinatanong ko nga, bakit ba siya? Bakit siya pa? Pero wala eh. Siya na talaga. Wala naman kasing utak ang puso.
Sabi rin nila, "You can choose your friends, but you can never choose who to fall in love with."
Ang lame pakinggan, pero totoo naman. Bakit ba kasi hindi natuturuan ang puso natin?
Bobo ka talaga Mr. Heart! Anlabo mo pa kung pumili ng tao. Hindi ka ba nag-iisip?
Nakalimutan ko na naman, wala nga palang utak ang puso..
3 years ago..
"One, two, three, four, f-"
"Miss?"
bigla naman akong napalingon sa nagsasalita.
"Ha?"
"Anong ginagawa mo?" at ngumiti siya sakin.
Nandito kasi ako sa park. Nagbibilang ng bituin, sinunod ko lang naman ang ginagawa ng bida sa libro na nabasa ko. "Nine Stars" by Alyloony. Favorite ko yun, naiyak nga ako ng todo sa ending eh. Kapag daw kasi magbibilang ka ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi pwede ka raw humiling sa huling araw at magkakatotoo daw yung wish mo. Try ko lang naman. Second day ko pa lang ngayon.
Malay natin ng dahil dito makita ko si Mr. Right ko. Hehe.
"Ah, nagbibilang?" patanong na sagot ko.
"Ano naman yung binibilang mo?"
Usisero si kuya ah.
"Mga bituin." saka muli kong binaling yung tingin ko sa langit at nagsimulang magbilang ulit. "Five, six, seven, eight, nine. Ayos!"
Aalis na sana ako kaso nandun pa rin yung lalaki.
"Kuya okay ka lang?" tanong ko sa kanya, nakatingin lang kasi siya sakin.
"Ah-pffft-syempre nam-HAHAHAHAHAHAAHAH!"
Huh? Anong problema neto? Tatawa na lang basta-basta.
"Are you okay mister? Why are you laughing?" nakataas kilay na tanong ko sa kanya.
"Ah, HAHA. Kasi, para kang baliw na nagbibilang diyan. HAHAHAHA!" at wgas talaga makatawa, may pahawak-hawak pa ng tiyan na nalalaman.
"Tsk."
pinabayaan ko na lang siya, panira ng moment. Makauwi na nga lang. Kaya naman tinalikuran ko na lang siya at nagsimula nang maglakad.
"Hey, miss. Wait! Eto naman, di na mabiro. Joke lang."
hinabol niya ako at naglakad sa harapan ko habang nakaharap sakin. Bale, naglalakad siya patalikod.
"Pwede ba? I don't like your jokes. So please, leave me alone. Uuwi na ako."
"Ang suplada mo naman. I said I was just joking. Take a break, ako nga pala si Calen." huminto siya kaya napahinto rin ako, inabot niya ang kamay niya sakin para makipagshakehands, "You must be?"
BINABASA MO ANG
Joke of my heart (One-Shot Story)
Short StoryJoke: ang dahilan kung bakit ako natatawa at naiiyak. Joke, yeah right. © joanalourdesh