'Dwayne gumising kana , may pasok ka pa ! Bilisan mo na.'Po -.-
Haist nakakatamad gumising ng maaga -.- sino bang nag pa uso na dapat maaga ang pasok ? Ipapabugbog ko talaga yun >_<
Anyways Im Dwayne Dustin Reyes. 20. Yung sumisigaw kanina ? Oh well nanay ko yun.
Madali akong naligo at nagbihis. Pagbaba ko dumiretso akong kusina. Nakita ko dun si nanay nag aasikaso ng agahan.
'Oh! Anak kain na.
'Po
Tahimik akong kumakain ng biglang magsalita si nanay.
'Anak?alagaan mo sana siya :)
' bakit po nay?pilay po ba siya?
'dwayne dustin !!
'Opo , opo !! Nanay naman di na mabiro -_-
'At kung pwede anak ....
Mahalin mo sya :) ikaw na lang ang meron siya
'Nay?simula ng malaman at makita ko siya minahal ko na siya. Alam ng puso ko na kapatid ko siya. Ramdam na ramdam kong kailangan ko siyang protektahan. At gagawin yun nay. Di pa man niya ako kilala pero sa puso ko tanggap ko ng kapatid ko siya.
totoo ang sinabi ko kay nanay. Kahit hindi niya pa ako kilala sa puso't isipan ko tanggap kong kapatid ko siya. At mas magiging masaya ako pag natanggap niya rin ako.
Dianarra's POV
HI:) im dwayne's nanay.
Hindi ko naman talaga tinago o pinagkait si Dwayne sa ama at kapatid niya. May mga rason lang talaga kung bakit ko pilit binago ang pagkakakilanlan samin ng anak ko. Ito ay para sa kaligtasan namin at para na rin sa kapatid niya. At alam kong ito na ang tamang panahon para magkakilala silang dalawa. Panahon para gawin ni Dwayne ang tungkulin niya. At proud akong napalaki ko ng tama si Dwayne ni minsan hindi ako nagsinungaling kay Dwayne. Lahat ng totoo sinabi ko. Masakit man o hindi.
Kaya alam kong magagawa ni Dwayne ang tungkulin niya. :)
Dwayne's POV
Napansin kong tahimik si nanay.
'Oy nay?problema mo?
'Wala anak,masaya lang akong napalaki kita ng tama. Tignan mo lumaki kang gwapo,matalino. Grabe anak manang mana ka talaga sakin ^___^
'Seriously nay?
'Serious na serious anak bakit?
'Nay ang pagiging matalino ko po ay dahil nag aaral ako,at ang pagiging gwapo mana ko kay tatay. Wala sa inyo. Alis nako nay.
'hala !! Hoy dwayne aminin mo muna mana ka kay nanay !!
'Haha sulat ka sa wish mo lang nay :D
'Ganun?
'Po ^_^
'Okay. Wala kang baon ngayon anak ha?humingi ka dun sa wish ko lang ^____^ babye anak.
Anak ng !! Hindi pa pala ako nakakahingi ng baon -_- dali dali akong bumalik ng kusina.
'hehe nanay naman di na mabiro. Syempre san pa ba ako magmamana ng kagwapohan?lahi natin yun nay.ang ganda mo nga oh?! Di ka halatang may binatilyo kanang anak nay ^___^
'Talaga anak?^____^
'Talagang talaga nay ^_^
'Sabi mo yan ah?!hehe oh eto baon mo may dagdag na yan. Pakabait ka dun anak ha :)
'Hehe po.
Na makalabas na ko ng kusina. Agad akong sumigaw
'PERO NAY JOKE LANG PO YUN. KAY TATAY AKO MANA :D
'DWAYNE DUSTIN REYES !!!!!
Haha mukha ni mama ? priceless :D
Kahit medyo baliw yung nanay ko ? Mahal na mahal ko yun. At ang kapatid ko.
Malapit mo na akong makilala bunso. Iingatan ka ni kuya. :)
---
Aye chapter 5 done ^___^
Vote and comment aye aye :p