chapter 14 ~ outing ~

8 0 0
                                    


Kheizea's pov

Hoo !! Muntik na yun. Ano ba kasing ginagawa ng mga to dito. Naglalakad kami ngayon papuntang field. Dun kuna sila kakausapin. Walang masyadong pumupunta dun. Kaya okay lang mag usap kami.

'hoy xhaine san ba tayo pupunta? - steph

Hindi ko na siya pinansin. Malapit na rin naman kami sa field.

'xhaine naman eh. Humarap ka nga. San ba tayo pupunta ? - katleeya

'malapit na

Andito na rin kami sa wakas.

'anung ginagawa niyo dito ?

'sinusundo ka - faith

'bakit?

'may outing tayo - zhaireen

'ha?

'surpresa namin sayo bagu ka mag birthday - ranz

'alam ba tu ni Brent ?

'oo xempre at andun na nga sa sasakyan hinihintay tayo - craig

'wait si Ryle pa pala hanapin natin - maureen

'andun na dw sya sa sasakyan - natalia

'at panu mo nalaman ? - katleeya

'c Brent nag text - natalia

'Woshoo !! Ayown !! Tsk. Tsk. Iba na talaga yan natalia. - stephen

'haha oo nga. Eh hindi naman nag tetext si Brent. Tamad yun - mcjan

'psh ! Tara na ! - natalia

Sumunod naman kaming lahat kay Natalia. Alam ko ang tungkol kay Natalia at Brent. At naiintindihan ko kung bakit ayaw nilang maraming maka alam.

Pag dating namin sa sasakyan , andun na nga si Ryle. Nasa passenger's seat. Kanya kanyang pasok naman kami. Umupo ako sa pinakahuli. Nabigla ako ng tabihan ako ni Natalia. Alam kong may gusto siyang malaman at itanong sa'kin tungkol sa nangyari kanina.

Tahimik kaming bumabyahe. Hanggang sa magsalita si Natalia.

'bakit ? - natalia

'ha?

'bakit kayo nag deny?

'may dahilan ako nat.

'alam ko. Dahil ba dun sa lalaki ?

'ha?

'napansin ko kung pano mo siya titigan xhairen

'hays!!ganun ba ako ka.obvious!?

'hindi.kilala lang kita ng lubos.na kahit tingin mo pa lang naiintidihan ko na.

'si kent

'bakit?

'siya si kent. My exboyfriend

'inagaw ni april?

'hindi

'ano?

'malalaman mo rin ang dahilan natalia

'ayaw mo siyang idamay

'hmp

'andito kami xhairen. Hindi ka nag iisa. Wag mo sanang solohin

Napatingin naman ako kay Natalia. She gave me a very assuring smile. Alam ko Natalia , alam kong hindi niyo ko iiwan.

I just smile at her.

Hindi ko napansin , nakatulog pala ako sa byahe. Nagising na lang ako ng tapikin ako ni Natalia. At pag baba ko ..

Ang ganda ! Sobra. Alam kong private beach tu' may maliit na cabin dito. Tama lang para sa gamit namin. Hindi naman kami mag oover night dito. Kasi nga dw mag hahanda pa kami para bukas. Ang ganda talaga. White sand , blue water. Ang raming puno. At ang sarap ng simoy ng hangin.

Si Natalia at Brent pati si Ryle ang nag handa ng mesa. Pati mga pagkain. Si Zhaireen at Faith parang mga batang gumagawa ng sand castle. Habang si Craig naman ang taga sira ng ginagawa nilang castle. Pag nasisira niya agad tumatakbo habang tumatawa. Si Katleeya naman busy sa kakapicture. Na iniistorbo naman ni Ranz. Kasi pumupunta siya sa likod ni Katleeya ginugulat ito. Kaya nagagalit si Katleeya kasi daw ang pangit ng kuha niya. Habang si Ranz tinatawanan lang siya. Habang si Floyd naman nakahega sa sand. Nag susun bathing. Si Maureen naman busy pa rin sa laptop niya. At ang dalawang makukulit naman na sina Stephen at Mcjan kumuha ng tubig dagat at binasa si Floyd. Kaya ayun hinabol ni Floyd ang dalawa.

Ang kulit lang. Tumatawa lang akong nakatingin sa kanila. Sana wag ng matapos ang araw natu , na para lang kaming ordinayong teenagers. Walang iniisip na problema at walang haharaping gulo.

---

Vote comment aye aye !? ^_^

Truth Behind LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon