Part I:Ang Liham ng Nagmahal

42 0 0
                                    


  Ito ay isang liham ng pamamaalam
Sana'y patawarin mo ako at pakinggan
Minahal kitang lubos ng buong puso ko
Pero naubos na ang pag-ibig ko sa'yo

Naalala mo ba nung tayo ay nagkita
Sa ilalim ng puno ng mga alala
Buong ngiting tinanong mo ang pangalan ko
Paulit-ulit ito sa panaginip ko

Dahil minahal na kita sa una pa lang
At dinasal na sana'y ito'y magtagal
Akala ko ay wala na akong isasaya pa
Nang sumama ka sa ilalim ng dambana

Sinubukan ko pero wala na talaga
Ang pagmamahal ko sa iyo ay ubos na
Mula nang sunugin ang puno ng alala
Kasama ang paniniwalang mahal kita

Oo, alam kong mahirap maintindihan
Pero sana lang ay iyong maunawaan
Kung mahal mo ako ay iyong pakikinggan
Merong mga bagay na hindi nakalaan

Basahin mo ang liham ng pamamaalam
At sana ay ako'y maintindihan
Ang tangi kong hiling ay maging masaya ka
Aking sinta, may nahanap na akong iba

An Adultery ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon