Hindi maitatanggi ang saya sa'yong ngiti
Ang ningning nang iyong mata at tamis sa labi
Kasalanang hindi maipag-aatubili
Ang kaligayahan sa ating pagkakamali
Alam kong mahal mo sya pero mahal rin kita
At handa akong maghintay na makasama ka
Kahit na nakaw lamang ang ating pagsasama
Ibibigay ko sa'yo ang buong langit sinta
Hindi ba maaaring tayo na lang dalawa
Tayo na lang dalawa at wala nang iba pa
Ikaw lamang at wala na akong hahanapin pa
Ako lang sa'yo at sana ang ako'y sapat na
Pangakong ika'y habang buhay na iibigin
Pangako ko na sa'yo lang ako may pagtingin
Di ka sasaktan at buong pusong mamahalin
Ito ang mga pangakong aking tutuparin
Hindi mo man siya magawang iwan ay ayus lang
Maghihintay pa rin ako sa ating tagpuan
Umaasa na ako pa rin ay babalikan
Kahit na ang sandali'y mananatiling hiram
Ang dasal ko na sana'y tayo na lang dalawa
Mananatiling halik sa hangin aking sinta
Habang siya ay buhay pa rin at humihinga
Mananatiling pangarap ang tayong dalawa