Part III:Seloso

19 0 0
                                    


  Naging mahaba ang ating hating gabi
Maraming salamat sa konting sandali
Salamat at sakin ka pa rin uuwi
At naibalik na rin ang iyong ngiti

Pakiusap lang wag mo nang uulitin
Sa ibang lalaki'y di ka na titingin
At ako lang ang iyong bibigyan pansin
At ako lamang ang iyong mamahalin

Patawad kung ikaw ma'y aking nasaktan
Patawad at ikaw ay pinagdudahan
Sa maikling sandali ng kasalanan
Sana lang ay wag mo akong iiwan

Wag kang mag-alala sa'yong kalaguyo
Nakatali siya sa bakanteng kwarto
Humihinga pa at meron pa ring dugo
Pero walang malay at naghihingalo

Pero aking mahal, wag kang mag-alala
Pinapatawad at mahal pa rin kita
Ibaon 'to sa limot at sya sa lupa
Magkaroon tayo ng bagong simula

Lagi mong tatandaan na mahal kita
Sana ay wag mo na akong iiwan pa
Lagi mong tatandaan, akin ka lang sinta
At wala ka nang hahanapin pang iba  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Adultery ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon