MY GIRL AND I <3 CHAPTER 1

2.8K 22 10
                                    

Chapter 1

Ako si Bianca! 17 years old, pero mag 18 na ko sa September 20, namatay si Mama nung 12 years old pa lang ako kasi nagkasakit siya ng Leukemia, sad noh? pero gaya nga ng sabi nila Life goes on tama naman sila diba? Hindi naman ako kelangan mag mukmok ng magmukmok! Simula nung mamatay si Mama sa apartment na lang kami tumira. Hay grabe, 6 years ko na rin gusto si Lance Kristofer Dy! Tofer tawag ko sa kanya, pero sila Dylan, ewan ko ba! Parang gusto ko lang maiba. Never ko siyang naging kaklase kasi matalino siya samantalang ako.. I LOVE MATH yung nga lang MATH HATES ME nakakatuwa noh? Bobo talaga ko, lagi kasi akong nasa class F! HAHAHA! Akalain mo ba naman yun? Kababaeng tao, class F?! KAMUSTA NAMAN YUN?! O andito na yung dalawa kong kaibigan!

SCHOOL VERANDA. 2nd quarter, 4th year HS.

*inhales* “GRABE! 6 YEARS KO NA SIYANG GUSTO! PWEDE NIYO NA KO PATAYIN NGAYON! HAHAHA!”

Carla: “Pakyu! Haha wag ka ngang sumigaw dyan!! Oo nga eh! Sa 6 years na yun hindi niya nalaman na gusto mo siya! Naging close na nga kayo’t lahat wala pa rin! Kelan mo ba ipapaalam sa kanya yun? “

Mae: “O nga noh, naging close pala kayo nun kahit papaano! Bakit nga ba hindi na kayo close ngayon? Pati kelan mo ipapaalam lahat?”

“Eh, ganun eh, baka gusto niyang maging astronaut..”

Carla and Mae: "ASTRONAUT?!”

“Eh baka kasi he needs space..” sabay tawa “Ewan ko, ipapaalam ko sa kanya 1 week before mag graduation! Gagawan ko siya ng letter!“

Eto ang dalawa kong best friends! Si Mae Aduna at Carla Gamboa, simula grade 1 pa lang magkakaibigan na kami kaya tingnan niyo! Pare-pareho kaming nasa class F! magkakaibigan nga talaga kami diba?

Mae: “BIANX!! SI ANO OH..”

~OMG! SI TOFER DUMAAN! Ano ba ‘to! Bakit parang naging slow motion yung paligid ko?  Grabe..~

**I was kinda hesitant to tell you, should I let you know? I was never really like this before, need I say more?..- I’m a little bit of crazy, I’m a little bit of a fool, I’m a little bit of lonely, I’m a little bit of all oh I need a cure. Just a little bit of you. And I will fall...**

“Grabe ang tagal na kita gusto.. kulang na nga lang eh pilitin kitang magpakasal sa akin.. kaya lang hindi mangyayari yun, hindi pwede..” mahinang sinabi ni Bianca.

Habang papalapit ng papalapit yung mukha nila Carla at Mae sa mukha ni Bianca sabay nilang sinabi ng mahina..

Mae & Carla: “bakit naman hindi pupwede..?”

Nagulat bigla si Bianca at napatingin sa dalawa, dahil narinig pala nila yung binulong niya

“ha?? o nga noh? bakit nga ba?” *thinks* sabay sigaw “BAKIT NIYO NGA BA KO PINAPAKINGGAN!! Tss. Tara na nga! Baka mapuno na yung bus!”

~Ano ba naman to! Palagi na lang yun yung sinasabi nila eh, hay nako! Tama ba naman ba kasing sabihin nila sakin at the age of 9?! Malamang wala pa akong alam nun sa mundo! At malamang hindi ko pa kilala si Niña nun! Hindi ko pa nga nasasabi kay Niña na gusto ko siya eh, tapos biglang ipapakasal na nila ko sa taong hindi ko kakilala?? OMG! OMG TALAGA!~

Ako nga pala si Dylan, sabi nila matalino daw ako, pero hindi naman ako nag aaral tuwing gabi, sa katunayan nga maaga pa kong natutulog. Magaling lang talaga siguro ako. Sabi ng parents ko, pag dating ko ng 18 ikakasal na daw ako, kasi meron silang matalik na kaibigan at nagkasundo sila tungkol sa bagay na yan, grabe noh? ibang generation na nga to pero may “fixed” marriage pa rin! Kakaiba talaga sila! Meron din pala akong bunsong kapatid, siya si Kris, katulad ko, matalino din siya, parehong pareho kami halos ng ugali, yun nga lang hindi siya kasing tinik ko sa babae, mataba kasi!

MY GIRL AND I &lt;3 CHAPTER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon