MY GIRL AND I <3 CHAPTER 2

727 3 0
                                    

Magaling pala siya kumanta, at andami pang sumisigaw ng “more” akalain mo ba naman na maganda pala boses nitong manok na to! Teka, paano ko nga pala ieexplain kay Niña na ikakasal na ko? Ganun ganun na lang? Sabagay.. nireject niya naman yung “will you marry me” ko ng ganun ganun na lang eh.. hay nako! Bahala na nga si batman!

“Huy Dylan! Ok ka lang ba? Bakit natutulala ka ata? Na mangha ka ba sa boses ni Bianca?” nakangiting nanong niya.

“Ah, oo. Hindi ko pa kasi naririnig kumanta yan, first time eh. Hehe!” sabi ko naman.

“Nagustuhan niyo po ba? hehe! Lahat po ng gusto maki jamming kay Ryan lumapit na lang po kayo dito at si Ryan na ang bahala. Pasensya na po kayo at yun lang po ang makakanta ko sa ngayon, bigla ho kasi akong nabibianca! Sorry po ulit.”

Naglakad ako papunta sa loob ng bahay sa may living room. Hindi ko mapigilang hindi umiyak, si Tofer, si Tofer na nagustuhan ko for 6 years.. kasama si Niña na pinagproposan niya.. anong gagawin ko?

_____________________________________________________________________________

tofer DY :"> o Lance Kristofer Dy. siya lng nmn yung nsaaa pic GWAPO RIGHT?> :"> 

~Bakit ganun? Si Niña tinanggihan siya, pero ako hindi man lang niya kayang tingnan..~

~ano kaya nangyari dun? Pupuntahan ko ba siya? Bahala siya. Gumawa na naman siya ng eksena! Kakaiba talagang manok to~  

Pinuntahan ako nila Mae at Carla para i-comfort ako.

“Bianx.. obviously hindi ka ok, ano ba nangyari sayo? Ang saya mo pang kumakanta kanina ha? bakit ka umiiyak ngayon?”

“Mae ok lang ako, masyado lang ako masaya kasi andito kayo, sa debut ko. Tapos ikakasal ako kay Tofer na SIX YEARS ko nang gusto, six years ko ng hiniling..”  I smiled.

“o sige, uuwi na kami ni Mae, late na masyado, pati nandyan na yung sundo namin.. Happy birthday ulit.”  ~naguguilty ako, parang pinasa ko yung pasan kong mundo sa kanya sorry talaga, sorry.~ Nagmamadaling makalabas ng bahay.

Habang nasa car kami ni Mae sinasabi ko na sa kanya yung mga plano para sa gagawin naming surprise wedding para kay Bianca at Dylan..

“Surprise wedding?! Saan naman natin gaganapin yun?”

“Edi sa GYM! Malaki naman yung gym para sa dalawang section eh!”

“O sige, kakausapin ko na lang yung President ng class A para sa plano.”

“Oo tama yun. Para naman mapasaya natin si Bianca. Ako na lang bibili ng mga singsing nila. Tama na siguro ang white gold para medyo mura.”

Sa living room.

Ano ba ‘to, parang hindi ko birthday ha! bakit kelangan ako yung aapektuhan? Ano nga naman ba kung nag propose siya kay Niña? Eh ako na rin naman yung pakakasalan? Yun nga lang.. walang love. Pero kahit na! lalaban ako! Kung hindi niya ako kayang mahalin, dodoblehin ko yung pag mamahal na ibibigay ko para sa kanya!

“TAMA!! DODOBLEHIN KO YUN!”  *evil laugh*

“Anong dodoblehin mo? Yung size ng katawan mo? Hah! Ang laki laki mo na nga oh!!” sabay tawa.

“Ay Tofer, kelangan natin mag usap..”

Tungkol saan naman?”

“Sa atin. Ga-”

“HOY MANOK. THERE’S NO US.”

“Pwede ba patapusin mo muna ako??”

MY GIRL AND I &lt;3 CHAPTER 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon