Arhena
"Ikaw na Ena!", mahinang sigaw ng kabarkada kong si Darl na katapat ko lang naman ng upo. Nakaupo kasi kami paikot at turn ko na kasing magpa-ikot ng bote. Were playing spin the bottle . Kanina nanonood kami ng movie kaso naman ang boring ng nabili namin na cd kaya eto ang ending laro na lang. Lima kami sa barkada , dalawang lalake at dalawang babae, ako daw 50-50. Kalahating babae, kalahating lalaki. Di lang nila alam... Mas babae pa ko noon sa dalwang babae sa magkabilang gilid ko ngayon.
I mean alam naman pala nila kaso nga di nila nakasama yun dating ako. Recently lang naman kami naging tropa. Dahil iisa ang pinapasukan namin na work. Ayun nagkapalagayan ng loob kaya eto pag walang pasok, bondate naming lima. Pina-ikot ko na yung bote at kuntodo ang hiling ko na sana wag sakin tumapat. Kakaiba pa naman ang trip nilang spin the bottle. Kung kanino man tumapat puro truth lang at lahat ng di natapatan ang magtatanong pag hindi sinagot ang tanong ng isa man sa kanila kelangan niyang gawin ang dare na sasabihin ng iba.Taena! Wag ako. Wag ako. , piping hiling ko sa isip ko.
Ikot. Ikot. Ikot.
At kung mamalasin ka nga naman, sakin talaga siya tumapat. Shet!
"Yes! Eto madami tong sekreto sa satin." Excited na turan ni Nessah.
"Oo nga. Kanina pa nga yan nagdadasal na wag sanang sa kanya tumapat." , tumatawang sang-ayon ni Drexa.
Paolo just chuckled. Siya yun pinakatahimik sa grupo.
"Sige na. Tanungin nyo na ko! Daming alam. " , putol ko sa iba pa nilang sasabihin.
"Given a chance. Sinong pipiliin mo yung mahal mo o yung mahal ka?" , tanong agad ni Darl.
"Yung mahal ko.", mabilis kong sagot.
"Kahit di ka mahal?", follow up question ni Drexa.
"Siguro kung tinanong niyo ko nito few months ago I definitely choose the one who loves me. Kasi gusto ko yung feeling na ako yung pinapahalagahan, ako yung inaalagaan, ako lang yung minamahal kaya siya yun pipiliin ko. Pero ngayon, yung mahal ko na lang ang pipiliin ko. Mahirap kasing magmahal ng taong minahal mo lang kasi minamahal ka. In short mahirap at masakit manggamit ng tao."
"Di mo naman sinagot yun tanong ko eh." , react agad ni Drexa.
"Excited???! Eto na. Pipiliin ko siya kahit di niya ko mahal. Kasi pag mahal mo ang isang tao dapat willing kang mag take a risk. Kahit di niya ko mahal kahit balewala ako sa kanya okay lang. I'll just let him know na mahal ko siya at ipaparamdam ko sa kanya yun. Now, if he asks me to stop then I'll stop at hindi ko na ipagpipilitan yun sarili ko sa kanya.
Natahimik silang lahat. Paolo looked at me na parang pinag-aaralan kung anong tumatakbo sa isip ko. Psychology pa naman ang tinapos ng isang to... Tsk!
"Come on Pao! Wag mong gamitin sakin yang powers mo. Oo ang sagot ko sa tanong na gusto mong tanungin right at this moment." , untag ko sa kanya.
"Eh ikaw yata may powers dyan eh. Wala pa ngang tinatanong si Pao, sinasagot mo na agad." , singit ni Darl.
"Ano bang tanong mo Pao?", usisa ni Nessah.
"Kung bakit niya nasasabi tong mga bagay nato? Kung naranasan na ba niya? And I guess she just experienced both.", balewalang sagot niya habang matamang nakatingin pa rin sa akin.
Sabay sabay lumingon si Nessah, Darl, at Drexa sa akin waiting for my reaction.
Tumango ako biglang pag sang-ayon sa sinabi ni Paolo.
"Ako na ang magtatanong. Can you tell us kung anong nangyari?" ,nakangising singit ni Nessah.
"Can we sit in a more comportable place first? Namamanhid na kasi yung hita ko."
"Okay tara! End of this game. Darl kumuha ka ng alak dun sa ref. Nes prepare mo yung chips. Pao and Ena prepare natin yung sofa. Pagdikitin natin yang tatlong sofa na yan para close tayong lahat.", mabilis na utos ng aming leader na si Drexa. Yeah. Leader kasi talaga namin siya sa work. At talagang natural na sa kanya ang mag lead sa grupo namin in a kind of situation like this. Sabay sabay na kaming nagtayuan to do what she just said.
Yung tatlong mahabang sofa pina-triangle namin. May maliit na coffee table sa gitna. Nung lahat naka set na. Umupo na si Darl at Drexa sa isang sofa . Si Pao at Nes sa isa pa. At ako sa isa. Wow! Parang anlakas maka-showbiz.. sa isip ko.Pao opened one can of beer and gave it to me.
"Ako talaga ang may kelangan ng alak??"
Nagkanya-kanya naman silang kuha.
"Wala bang chocolate?", ako habang chinicheck kung anong mga dala nila.
"Adik ka? Edi nalasing ka dyan ng bongga kung sasabayan mo yan ng chocolate.", sagot ni Nes
"Ayon nga yung plano. Para magkaron ako ng lakas ng loob na magkwento at kinabukasan di ko alam kung anuman ang ginawa ko ngayong gabi.", nakatawang sagot ko din.
"Adik nga. Gusto mo talaga?? Ikukuha kita." , si Darl.
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
"Oh ano na ngang nangyari kasi???", si Nes halatang di mapigil ang curiousity nya..
Nagmamadaling nagbalik si Darl bitbit ang mga chocolates na ni-request ko. Nang nakaupo na siya ng maayos I started.
"Seven months ago, may lalaking nagmahal at nagpahalaga sakin sa paraan kung paano ko gustong pahalagahan ako ng minamahal ko that time. Sinabi niya sakin yung nararamdaman niya at pinaramdam niya. Ang sarap lang nang pakiramdam na may nagmamahal at nag-aalaga sayo. Yung mga bagay na hinihiling ko sa isang guy nasa kanya ng lahat. Yung pangarap kong gawin sakin nung mahal ko siya yung gumagawa. At first, in denial pa ko. I let him do all those things pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko masusuklian yun pagmamahal na binibigay niya. Na ginagamit ko lang siya that I'm just taking him for granted. But nung naramdaman ko na hindi na lang simpleng paghanga yung inuukol niya para sakin. I decided to let him go. Tinapat ko siya na wala na siyang aasahan sakin. that I tried pero wala talaga at na itigil na niya kasi di ko masusuklian yun lahat ng efforts niya. I didn't say sorry. kasi alam kong nasaktan ko na siya at hindi na mapapawi ng sorry ko lahat ng nang sakit na idinulot ko sa kanya. Pero mas na guilty ko dun sa sinagot niya sakin. Na ginusto at pinili niya yun at alam naman niyang wala siyang aasahan pero nagtry pa rin siya kasi baka daw one day paggising ko hanapin ko na din yun presensya niya na baka matutunan ko din siyang mahalin. Kaso wala eh. Tumigil siya, lumayo at hindi na niya ko kinausap pa. Nasaktan ako at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. Sa kagustuhan kong maramdaman na may nagmamahal sakin, nakasakit ako ng tao. Alam nyo after a month nang lumayo siya I decided to do what he did to me. Nagtapat ako dun sa guy na mahal ko. Pinaramdam ko sa kanya na mahal ko siya. Binigay ko yung best effort na kaya ko but at the end I choose to let him go. Wala eh! Wala talaga. Nakasakit at nanggamit ako ng tao, at pinili kong masaktan at magpagamit sa katulad na paraan. Uulitin ko. Pinili ko. Pinili ko. Narealize ko ang buhay madaming ibabato sayong pagpipilian ng mga bagay-bagay at kelangan mong pumili ng isa. Isa lang at wala ng ulitan pa. Ngayon pag nasaktan ka, tanggapin mo. Dahil yan sa pinili mo. Walang mali, walang tama. Kasi lahat yan nagbibigay ng aral at magpapatatag sa buhay at pagkatao mo." , unang bahagi ng kwento ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Choose One
Short Story"Life is a matter of choices but you only need to choose one. Kung san ka giginhawa. Kung san ka mabubuhay. Kung san hindi ka makakasakit ng iba. At higit sa lahat kung san ka tunay na magiging maligaya. Marami namang pagpipilian yun nga lang is...