Magkaibang Mundo [Short Story]

780 19 19
                                    

Pasado alas dose na ng gabi pero bago pa lang ako uuwi ng bahay. Tambak kasi ang gawain ko sa opisina kaya eto ako ngayon, inabot ng hating-gabi sa paglalakad pauwi.

Isa akong sekretarya sa isang kumpanya dito sa siyudad. Sakto lang naman ang kinikita ko doon para matustusan ang sarili kong pangangailangan. Ulila na akong lubos buhat ng mamatay ang aking mga magulang sa isang aksidente. Masakit mang alalahanin pero wala na akong magagawa kundi tanggapin na wala na sila. Nangungupahan lang rin ako malapit sa pinapasukan ko kaya kahit papaano'y nakakatipid ako sa pamasahe araw-araw.

Nagsimula ng manindig ang balahibo ko nang matanaw ko ang madilim na ilalim ng tulay na aking daraanan. May ilaw naman doon kaso masyado ng malamlam. Hindi na kasi naasikaso ng munisipyo ang lugar dahil sa dami ng kanilang proyektong inuuna. Ito lang din ang natatanging daanan papunta sa inuupahan kong bahay kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang dumaan dito.

Huminga muna ako ng malalim bago ako umabante papasok. Natatakot kasi ako kapag dumadaan ako sa lugar na ito dahil sa mga kwentong kababalaghan na napapabalita dito. Matatakutin ako kaya hindi ko kakayanin kung sakaling makakita ako ng multo o kung ano pang nakakatakot na nilalang diyan sa loob.

Mabilis ang aking paglakad para hindi ako masyadong magtagal dito. Medyo may kahabaan rin kasi ang lapad nitong tulay. Malalaking Truck kasi ang dumadaan sa itaas nito kaya mahaba-haba pa ang aking lalakarin para makauwi.

Ilang sandali pa ay bigla nalang akong napahinto dahil sa lalaking nakatayo sa daraanan ko. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nasa may parteng madilim siya ng lugar. Pero bigla rin siyang naglakad palapit sa liwanag kaya nakilala ko ito.

"Saan ang punta mo Hannah...hik!" ani Josh habang pasuray-suray na lumalapit sakin.

Matagal na siyang nanliligaw sakin simula ng lumipat ako sa Apartment, kung saan kalapit lang ang bahay nila. May itsura naman siya kaso wala akong panahon para sa pag-ibig na yan. Mas iniisip ko pa ang magiging kinabukasan ko kaysa doon. At sa tingin ko hindi siya ang tipong lalaking magpapatibok sa puso ko ng sobra.

"A-ah, Uuwi na ako Josh eh. I-ikaw, anong ginagawa mo dito?" nangangatal kong tugon sa kanya. Medyo natakot kasi ako dahil parang may masama siyang binabalak sakin.

Kaagad naman akong umiwas nang balakin niyang hawakan ang kamay ko. Pero sadyang napakakulit niya at ayaw talagang magpaawat.

"Bakit ayaw mong magpahawak ng kamay ha...hik! Ako na ang bahalang maghatid sayo sa bahay mo...hik!" aniya saka hinawakan ng mariin ang aking braso.

Nagpipiglas ako dahil alam kong wala siya sa katinuan ngayon. Epekto lang siguro iyon ng kanyang kalasingan, dahil alam kong mabait siya kapag hindi nakakatikim ng alak. Pero wala sa hinagap ko na ganito ang magiging epekto sa kanya ng pag-inom ng alak.

Wala na akong nagawa ng isandal niya ako sa haligi ng tulay sa aking likuran, habang hawak parin niya ang magkabila kong braso. Lalo ko tuloy naamoy ang ininom niyang alak dahil halos magkalapit na ang mukha namin.

"J-josh! Pakawalan mo ko! N-nasasaktan ako!" pagpipiglas ko. Pero hindi niya ko pinakinggan, bagkus ay lalo pa siyang lumapit sakin.

Magkaibang Mundo [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon