Chapter 3c: Friend Date

39 1 0
                                    

*Krrriiinnnggg* *Krrriiinnnggg*

Nagriring alarm clock ko. Tinatry ko tong patayin, nang bigla akong nalaglag sa kama, "Ouch!" Kahit masakit malaglag sa kama, pinagpatuloy ko tulog ko sa sahig. 

Maya-maya....... *~May tatlong bear sa loob ng isang bahay. Si Papa Bear, si Mama Bear at si Baby Bear. Si Papa Bear ay malakas, si Mama Bear ay maganda, si Baby Bear ay napakaliksi. Tignan nyo, tignan nyo ang saya nila.....~*

Narinig ko yung ringtone ko, inaabot ko fone ko. Sinagot ko toh, "H-hello?"

'Sukia, tulog ka pa ata?' naririnig ko boses ni Hiro na napaka-lively.

"Huh? Bakit ka tumawag?" nagtataka ako bakit tumawag sya, eh wala namang pasok.

'Haaay naku! Nakalimutan mo na ba na mamaya aalis tayo? 12:30 pm na oh.'

Napatayo ako at umupo sa kama, "Oo nga pala aalis tayo, nakalimutan ko kasi ansarap ng tulog ko eh. Sorry po."

'Ah cgeh. Mamayang 1:30 pupunta ako jan. Bye.' binaba na nya yung fone.

"Ayaw ko pang tumayo!!" humiga ulit ako at sumigaw....

Binuksan ni Mama yung pinto, "Kaen na tayo. Diba aalis kayo ni Hiro?" Tinataas-taas nya kilay nya.

"Iyyyy Mama naman eh! Friend friend date lang yun!" habang nagtutupi ng kumot.

Dinadampot ni Mama yung mga anime stuff toys ko, "Uy oh! Yung prinsesa ko may date! Malay mo after ng date may mangyayaring iba..."

Inisnob ko nalang yung mga pang-kutya ni Mama. Dinampot ko na rin mga dress na ginulo ko kagabi. Bumaba na kami ni Mama.

Kumakain na kami ni Mama..... After that...... Naghugas ako ng mga pinggan, kutsara't tinidor at baso. 

--

Tumuloy na ako sa taas sa banyo..... Lumabas ako ng banyo, pagkalabas ko nagslide ako at may sumapo saakin.

"Ayus ka lang ba Sukia?" sinapo ako ni Hiro.

"Ah! Eh! O-oo ayus lang ako. Bakit ka andito?" inalis na nya ang pagkahawak nya saakin at tumayo ako ng maayos.

"Diba sabi ko pupuntahan kita ng 1:30? Nakalimutan mo nanaman yata," inalis nya shades nya.

"Ay oo nga...." napakamot ako sa ulo ko. Binuksan nya yung pinto sa kwarto ko at tinulak ako, "Bumili ka ng memo-plus!" sabay sara sa pinto.

May nahanap akong dress, kaso kapag sinuot ko baka maweirdohan si Hiro saakin. Magseshirt na lang ako at pantalon. Lumabas na ako, "tara na!"

Hinila ako ni Hiro papasok sa kwarto ko, "Palitan mo yan, asan ba cabinet mo?"

Tinuro ko sakanya yung malaking cabinet. Binuksan nya toh at kinuha yung dress na nakita ko kanina, "Heto isuot mo yan," hinagis nya saakin toh at lumabas na sya. Sinuot ko nalang at sinuot ko yung flat sandals na terno sa dress. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto, "O-ok na ba 'to?" *blush*

Tinakpan ni Hiro ang kanyang bibig at inalis nya toh. Hinawakan nya balikat ko at yumuko sya, "B-bagay mo, ang ganda mo," *smile&blush*

*Blush* "T-thank you. Tara na." Umalis na kami.

--

Nakarating na kami sa Mall.... Pinili naming movie yung horror..... (Mamamatay na ako nyan sa takot at hndi na makakatulog sa gabi.)

Nagstart na yung movie, pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw.

Maya-maya, hinawakan ako ng mahigpit ni Hiro. Takot din ata sha, "Bakit mo ako hinahawakan?"

"K-kasi natatakot din ako," nanlalamig kamay nya.

Natawa ako dun. Nanood pa kami ng horror kung pareho kaming natatakot.

--

After ng movie. Pumunta kami sa Pizza Parlor. Nag-order kami at kumain.

--

Done eating!

Naglalakad kami, "Sukia, wait mo ako jan. May bibilhin ako."

"Ah cgeh." *smile*

Matagal-tagal din sha.......... Bumalik na sha, "Tara na, uwi na tayo."

--

Nasa kanto na kami. Naglalakad kami. 7:30 pm na kaya umuwi na kami. Malapit na kami sa bahay namin. Nang bigla nyang hinila ang braso ko at ......................................... niyakap nya ako.

Naramdaman ko na inaamoy-amoy nya ako, "Oi! Wag kang manyak!" Tinulak ko sya.

"Hndi ako manyak. Ang bango mo kasi eh, "*smile*

Lumapit sya saakin, "May gusto akong sabihin, tungkol nga pala sa confession mo saakin noon," habang kinakamot nya ulo nya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Ayaw kong mareject >.< Hndi ako umiimik.

Hinawakan nya yung kamay ko, "Ngayon ko lang narealize toh. Nung iniiwasan mo ako, nalulungkot at nasasaktan ako. Nung nagcomfess ka, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At yun na nga............."

<?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?><?>

Goodeve/Konbanwa..... Abangan nyo kung anung gustong iparating ni Hiro kay Sukia..... "Madaling mainlove. In a relationship. Break-up. Mahirap magmove-on."     Kaya masarap maging SINGLE :)   Take care. GODBLESS. Thanks for the votes for Aishiteru & Changing Your Impression.       >>>>>>>>GirlNissin<<<<<<<<<

AishiteruTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon